LUNGSOD NG MALOLOS — Wala pa ring humpay ang pagtanggap ng pamasko ng mga Pandieño matapos na dumalaw at mamigay ng Pamaskong Handog sina Governor Daniel Fernando at Vice Gov. Alex Castro nitong Martes (Jan. 7).
Katuwang sina Mayor Rico Roque, Vice Mayor Lui Sebastian, at ang bumubuo ng Team Puso at Talino naihatid ang pamaskong handog sa mga 4P’s beneficiaries sa bayan ng Pandi.

Ayon sa alkalde, “Nakakatuwa pong makita ang inyong mga ngiti, patunay na ang diwa ng Pasko ay buhay na buhay sa ating bayan.”
“Sa Pandi, hindi po natatapos ang Pasko sa Disyembre. Tuloy-tuloy po ang malasakit at serbisyo para sa bawat pamilyang Pandieño,” dagdag pa ni Mayor Roque. (UnliNews Online)