LUNGSOD NG MALOLOS — Patuloy ang pamamayagpag ng kasalukuyang alkalde ng Bayan ng Pandi na si Mayor Enrico Roque, tumatakbo sa ilalim ng National Unity Party (NUP), base sa inilabas na datos ng Hypothesis Philippines sa pagka-alkalde noong Martes (Feb. 4).
Ang naturang survey ay isang non-commission na isinagawa ng Hypothesis Philippines noong Enero 4-11, 2025 ang nagsuri sa pulso ng mga botante sa Bayan ng Pandi, Bulacan para sa darating na eleksyon.

Sa 1,000 residente at botante na sumagot sa survey, nanguna si incumbent Mayor Rico Roque na may 45.8%, habang nakakuha naman ng 32.5% si Darna Kat Marquez, at 18.1% naman ang nananatiling undecided.
Ang survey na ito ay may margin of error na ±2.5%. Habang papalapit ang eleksyon, mahalagang maging maalam at mapanuri sa pagpili ng tamang lider para sa ating bayan.
Habang sa pagka vice mayor naman ay nangunguna si Vice Mayor Lui Sebastian na may 32.8%, habang nakakuha naman ng 27.3% si Engr. Cris Castro, at 40.2% ang nananatiling undecided.
Samantala, sa isinagawang survey naman ng Quickstat Polls, nakakuha si Roque ng 92% na suporta mula sa mga botante, habang ang kanyang katunggali na si Kat Marquez (PFP) na may 6% lamang, habang 2% ang nananatiling hindi pa desidido.

Ang naturang survey ng Quickstat Polls, na isinagawa mula Enero 15 hanggang 20, 2025, ay mayroong 2,500 na respondent mula sa lahat ng barangay sa naturang munisipalidad.
Gumamit ng sistematikong random sampling, kung saan ang bawat ikatlong bahay ay ini-interview, upang matiyak ang patas at maaasahang resulta. Sa margin of error na ±1.94%, ang mga resulta ay nagbibigay ng malinaw na larawan ng damdamin ng mga botante.
Ang malaking lamang ni Roque ay nagpapakita lamang ng kanyang mahusay na pamamalakad at pamumuno at nagtatakda ng malinaw na direksyon para sa darating na eleksyon.
Habang naghahanda ang mga residente ng Pandi na bumoto, ang naturang survey ng Quickstat Polls ay nagbibigay ng mahalagang pananaw sa kanilang sama-samang tinig. (UnliNews Online)