“MARAMING mga fake news na lumalabas sa social media, huwag po kayong magpapadala doon at alamin muna ang katotohanan o wala, sapagkat eleksyon na naman, uso ang siraan. Kaya mga bulakenyo maging mapagmatyag at siyempre maging mapag-alam. Manalig tayo sa Diyos, manalig sa ating puso at demokrasya, Malaya ang lalawigan ng Lalawigan ng Bulacan.” Ito ang wika ni Bulacan Gov. Daniel R. Fernando, sa Binyagan Bayan na ginanap sa Barangay Tungko, Lungsod ng San Jose Del Monte, Bulacan, ika-7 ng Pebrero, 2025.
Ika pa ng butihing Gobernador na magingat sa mga online, huwag basta-basta magtitiwala sa Social Media ngayon. Nakatutulong ang social media pero, may mga fake news na lumalabas. Hindi nila palalagpasin ang nagpapakalat ng mga pekeng balita. Idinagdag pa ni Fernando na nakipagugnayan na siya sa mga pinuno ng Philippine National Police sa R3.
Ang pekeng balita ay naging isang makabuluhang isyu sa digital age ngayon, at maaari itong magkaroon ng malubhang kahihinatnan, lalo na pagdating sa mga sensitibong paksa tulad ng pulitika at kaligtasan ng publiko. Sa kaso ni Bulacan Gov. Daniel Fernando, naging biktima siya ng fake news, at gumawa siya ng mga hakbang para labanan ito.
Sa ating pananaliksik, si Fernando ay aktibong nakikibahagi sa paglaban sa mga pekeng balita sa social media sa pamamagitan ng pagpapatupad ng mga pamamaraan na kinabibilangan ng pagtataguyod ng digital literacy sa publiko, paghikayat sa responsableng pagbabahagi ng impormasyon, at paggamit ng mga opisyal na channel ng pamahalaan upang ipakalat ang tumpak na impormasyon.
Nagsimula siya ng mga kampanya upang turuan ang mga mamamayan tungkol sa pagtukoy ng maling impormasyon at hinimok sila na i-verify ang mga katotohanan bago magbahagi ng nilalaman sa online.
Karagdagan, ang administrasyon ni Fernando ay nagtatag ng isang sistema para sa pag-uulat ng maling impormasyon, na nagpapahintulot sa mga residente na magbigay ng hudyat sa mga mapanlinlang na post, upang makatulong sa pagsugpo sa pagkalat ng mga pekeng balita sa loob ng lalawigan.
Tsk! Tsk! Tsk! Ayon nga kay Vice Gov. Alex Castro, may lumapit sa kanya na isang Ginang at nagsabing ayaw na niyang palabasin ang kanyang anak na dalaga, dalikado na daw sa kalsada, mayroon daw mga nangki-kidnap.
Tinugunan naman agad ni Castro na hindi totoo, fake news yan! “May mga post sa CCTV (online) na hindi naman naganap sa Bulacan kundi kuha sa ibang lugar.” Dagdag pa ng makisig na Bise Gobernador.
“Ang sosyal media, ay masyadong malaya, ibig sabihin ang demokrasya sa social media ay masyadong bukas! Kawawa ang mga bata kasi nagiging biktima sila ng mga maling impormasyon. Pati nga ilong nape- fake narin,” sambit pa ni Fernando.
Kaya kayong mga nagpapakalat ng mali o pekeng balita ay tantanan na ninyo ang maling gawi. Nais nating pasalamatan muli sila Reyna Mamicpic at July Puddoc, sa paanyaya na dumalo sa naturang kaganapan, upang maisulat natin. Salamat din sa istima nila Noberto Murillo at Capt. Boying, mga lider ng Gobernador sa CSJDM. Hanggang sa muli. (UnliNews Online)