Monday, June 2, 2025
Amana Water Park
HomeNational NewsSen. Pia sa mga Magulang: ‘Ambisyon natin ang Magandang Kinabukasan para sa...

Sen. Pia sa mga Magulang: ‘Ambisyon natin ang Magandang Kinabukasan para sa ating mga Anak’

PASAY CITY — Sa harap ng masiglang pagtitipon sa Alyansa rally ngayong Martes (Peb. 18), muling binigyang-diin ni Senator Pia S. Cayetano ang kanyang paninindigan sa mga polisiyang magbibigay ng mas maayos na kinabukasan para sa mga pamilyang Pilipino.

“Mga nanay, isa lang naman ang ambisyon natin, na makita natin na maayos ang mga anak natin, hindi ho ba? Lumaki ng maayos, maging matino, may magandang kinabukasan,” Cayetano.

Dagdag pa nito, habang pinagtibay ang kahalagahan ng kalusugan, edukasyon, at kapakanan ng pamilya.

Ipinunto rin ng senadora ang mahahalagang batas na kanyang isinulong, kabilang ang mandatory immunization law, cheaper medicines act, at Doktor Para sa Bayan law na nagpapalawak ng access sa medical education.

“Ang mga batas na ito ay nilikha upang mabawasan ang pasanin ng mga magulang at matiyak ang mas malusog at mas ligtas na hinaharap ng susunod na henerasyon,” Cayetano.

Higit pa sa mga batas, hinikayat din ni Senadora Cayetano ang mga pamilya na alagaan ang kanilang kalusugan. Tinapos niya ang kanyang talumpati sa isang masayang squat challenge, bilang paalala na kahit maliliit na pang-araw-araw na gawain ay maaaring magdala ng mas malakas at mas malusog na sambayanan. (UnliNews Online)

Manny D. Balbin
Manny D. Balbinhttp://unlinews.org
Emmanuel "Manny" Dineros Balbin, founder and editor-in-chief of UNLINEWS ONLINE and UNLINEWS Digital Newspaper, is a former seminarian of Oblates of Mary Immaculate (OMI) in Notre Dame University Seminary in Cotabato City. Graduated college with Philosophy and Political Science courses at the University of Santo Tomas, Legazpi City. A former Journal Group of Publication (People's Journal, People's Tonight, Taliba & Women's Journal) staffer for 17 years. Before, he simultaneously contributed news articles to 3 local newspapers in Bulacan (NewsCore, MetroNews & NewsWatcher). He is the founder and the former editor-in-chief of RONDA Balita, both in weekly newspaper and online news. A former Kabayan provincial reporter, 2010 Bulacan election correspondent by Rappler and presently, a stringer of Philippine News Agency (PNA) Bulacan.
RELATED ARTICLES

WE ENDORSE

FOLLOW US ON FACEBOOK

Latest News