Tuesday, August 5, 2025
Amana Water Park
HomeOpinionAUTHOR'S VIEWPOINT375 security camera sa strategic places sa Angeles City

375 security camera sa strategic places sa Angeles City

DAHIL sa advance command center sa Lungsod ng Angeles, naiilang na ang mga street criminal na gumawa ng krimen saanmang dako ng siyudad dahil may mga ‘mata’ na awtomatikong makatutunghay sa kanilang masasamang balak.

Sino ba namang kriminal ang maglalakas-loob na gumawa ng krimen kung mayroong nakalatag na 375 security camera o CCTV camera sa mga estratehikong lugar ng siyudad.

Ang lahat ng ito ay buhat sa inisyatiba ni Angeles City Mayor Carmelo “Pogi” Lazatin, upang mapalakas ang crime prevention para sa kaligtasan at seguridad ng mga mamamayan at ng mga mamumuhunan sa lungsod kaya naman wala ng blind spots sa siyudad na pagkakanlungan ng mga kriminal.

Ayon kay Mayor Lazatin, kumuha sila ng 72 CCTV operators na magmomonitor sa 375 CCTV camera may pang-araw at may panggabing duty na may three shifting na kung saan ay pawang mahuhusay o high-tech ang mga computer units na kanilang ginagamit.

Kabilang dito ang kalalagay lang na mga bagong camera na mayroong 16 automatic number plate recognition (ANTR) Close-Circuit Television Cameras (CCTVs) na naka-instila sa mga hangganan ng Porac, Mabalacat City, City of San Fernando, at ng Magalang.

Hinikayat din ni Mayor Lazatin ang mga barangay officials maging ang homeowners associations sa siyudad maglagay na rin ng CCTV camera sa kani-kanilang mga nasasakupang barangay roads lalo na sa mga kakalsadahan ng mga subdivision upang mapigilan ang aktibidad ng mga small time akyat-bahay gang na nambibiktima ng mga inosenteng residente.

Dapat na gawing huwaran ng mga munisipalidad at mga lungsod hindi lamang sa Pampanga ang proyektong ito ni Mayor Lazatin kungdi maging sa buong bansa dahil lubhang mapanganib ang panahon ngayon. (UnliNews Online)

RELATED ARTICLES

WE ENDORSE

FOLLOW US ON FACEBOOK

Latest News