Monday, August 4, 2025
Amana Water Park
HomeProvincial NewsBulacan UnliNewsPNP-Bulacan Innovative Anti-Crime Projects, epektibo nang ginagamit sa operasyon

PNP-Bulacan Innovative Anti-Crime Projects, epektibo nang ginagamit sa operasyon

LUNGSOD NG MALOLOS, Bulacan — Mas marami nang ‘mata’, ‘tenga’ at ‘nakakalipad’ na ang Philippine National Police (PNP)-Bulacan Provincial Police Office (BPPO) sa paglaban sa kriminalidad, ngayong epektibo nang nagagamit sa mga operasyon ang apat na pangunahing innovation projects.

Iyan ang iniulat ni Col. Satur Ediong, provincial director ng PNP-BPPO, sa ginanap na 1st Quarter Joint Meeting ng Provincial Peace & Order Council (PPOC), Provincial Anti-Drug Abuse Council (PADAC) at Provincial Task Force to End Local Communist Armed Conflict (PTF-ELCAC).

BINISITA nina Governor Daniel Fernando at Vice Gov. Alex Castro kamakailan ang bagong interoperable na sa satellite-based na command center ng Bulacan Rescue 566 ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO). (Bul PPO)

Kabilang sa mga inobasyon ang Project SMART PATROL (Surveillance, Monitoring, Alertness, Response and Tracking of Patrol), kung saan mayroong mga kasangkapan na Global Positioning System (GPS)-based Vehicle Tracking for Improved Public Safety tulad ng 103 units na mobile patrol at motorcycle patrol.

Nasa 50 units naman ng mga Cubic Mission and Performance Solutions (CMPS) Drones ang ipinundar para sa Project SKYWATCH (Advanced Aerial Surveillance and Response System). Mas ginawang integrated ang paggamit ng Optimized Networked Gear kung saan 100 units ang idinagdag.

Pinakabago rito ang inter-operability ng Satellite-powered Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) CCTV Systems at ng BPPO Command Center. Magkatulong itong pinondohan ng PNP at ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan.

Ayon kay PDRRMO Head Manuel Lukban, Satellite-powered na ang operasyon ng command center ng Bulacan Rescue 566 sa tulong ng Department of Science and Technology (DOST) at ng US-firm na Starlink. May lakas na 400 megabit per seconds (mbps) ang sagap ng internet na higit sa doble ng kailangan nitong PDRRMO Command Center, habang 4 mbps naman sa bawat 45 stations.

Dahil pinapatakbo na ito sa pamamagitan ng satellite, all-weather na ang mga CCTV system at kabuuan ng command centers ng PDRRMO at PNP-BPPO kung saan hindi na maapektuhan ng malakas na pag-ulan, bagyo o labis na tag-init ang signal ng telepono at internet.

Kaya naman binigyang diin ni PCOL. Ediong na malaking bagay ang interoperability ng dalawang sistema para sa mas epektibong pagtitiyak ng seguridad, agarang responde sa iba’t ibang krimen at pag-alalay sa panahon ng kalamidad.

Source: PIA Bulacan

RELATED ARTICLES

WE ENDORSE

FOLLOW US ON FACEBOOK

Latest News