LUNGSOD NG MALOLOS, Bulacan — Karagdagang mga patrol vehicles ang iginawad ng Pamahalaang Lungsod ng Malolos noong Lunes (March 24) sa kapulisan para sa mas pinatibay na seguridad ng mga Malolenyo.
Ayon kay Mayor Christian D. Natividad, ang mga bagong sasakyang ito ay inaasahang magpapahusay sa mobility ng ating kapulisan sa kanilang mga operasyon, na higit pang magpapabuti sa kaayusan at kaligtasan ng ating mga mamamayan.

Kaugnay nito, patuloy ang Malolos City Police katuwang ang Pamahalaang Lungsod ng Malolos sa pagpapalakas ng mga kagamitan at kakayahan nito upang mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa lungsod, lalo na sa mabilisang pagtugon sa mga insidente, pagpapatibay ng presensya ng pulisya, at pagpapabuti ng serbisyo sa publiko.
Maliban kay Mayor Natividad, nakiisa rin sa paggawad sina Vice Mayor Miguel Alberto T. Bautista, P/Col. Satur Ediong, Bulacan provincial director, Konsehala Therese Cheryll “Ayee” Ople, P/Col. Rommel E. Geneblazo, Malolos City chief of police, City Administrator Joel S. Eugenio, Chief of Staff Fernando E. Durupa, mga kapulisan ng Lungsod ng Malolos at mga kawani ng Pamahalaang Lungsod. (UnliNews Online)