CAMP ALEJO SANTOS, Bulacan — Nadakip ng mga operatiba ang 2 Most Wanted Persons (MWPs) sa Bayan ng San Miguel sa isang manhunt operation na isinagawa noong Saturday (March 22).
Base sa ulat kay P/Col. Satur Ediong, Bulacan provincial director ni P/Lt. Col. Jowilouie Bilaro, San Miguel chief of police, dakong 12:40 ng hapon noong Saturday, nasakote ng San Miguel Police tracker team, kasama ang 2nd Bulacan Mobile Force Company na nagsilbi ng warrant of arrest kay alyas Bayani, 36 taong gulang, residente ng Brgy. Salacot, San Miguel, Bulacan.
Nakalista bilang Top 1 Most Wanted Person (Municipal Level) ang suspek sa kasong Murder. Inilabas ito noong Marso 18, 2025, ng Branch 92 ng Regional Trial Court, City of Balanga, Bataan.
Bukod pa rito, isa pang manhunt operation na isinagawa ng San Miguel Police Station ang nagresulta sa pagkakaaresto kay alyas “Bert,” na nakalista bilang Top 2 Most Wanted Person sa antas ng munisipyo, para sa krimeng Acts of Lasciviousness (3 counts) at Rape of a Minor kaugnay ng R.A. 11648.
Naganap ang operasyon dakong alas-7:15 ng gabi sa Brgy. Balaong, San Miguel, Bulacan. Ang warrant ay inilabas ng Presiding Judge ng Branch 80, Regional Trial Court, City of Malolos, Bulacan, na may petsang Marso 21, 2025.
Ang kamakailang serye ng mga operasyon ng Bulacan Police Provincial Office, sa pamumuno ni P/Col. Ediong, ay nagpapakita ng kanilang matatag na pangako sa paglaban sa kriminalidad. Ang mga pagsisikap na ito ay humantong sa matagumpay na pagkahuli ng maraming most wanted at wanted na mga indibidwal, na binibigyang-diin ang kanilang pinaigting na pagsisikap na palakasin ang paglaban sa krimen sa lalawigan. (UnliNews Online)

