LUNGSOD NG MALOLOS, Bulacan — Dahil sa masusing operasyon na isinagawa ng anti-illegal drug operatives ng nabanggit na lungsod noong Monday ng madaling araw (March 24), matagumpay na naaresto ang isang notoryus na nagbebenta ng shabu sa inilatag na buy-bust operation sa Mc Arthur Village Brgy. Longos.
Narekober mula sa suspek ang 5 piraso ng mga plastic sachet naglalaman ng hinihinalang shabu na tumitimbang na humigit-kumulang 1.6 gramo at nagkakahalaga ng P10,880.00.
Ayon kay P/Lt. Col. Rommel E. Geneblazo, Malolos City chief of police, “ang matagumpay na operasyong ito ng ating mga operatiba ay bahagi ng ating patuloy na kampanya laban sa iligal na droga, Patuloy tayong magtulungan upang masugpo ang salot na ito sa ating lipunan.”
Ang suspek ay kasalukuyang nasa kustodiya na ng Malolos PNP at sasampahan ng kasong paglabag sa Section 5 at Section 11 ng Article II ng RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002)
“Ang Malolos City PNP ay patuloy na nananawagan sa publiko na makipagtulungan sa pamamagitan ng pagbibigay ng impormasyon upang masugpo ang ilegal na droga sa ating komunidad,” dagdag ni Geneblazo.
Pinuri naman ni Mayor Christian D. Natividad ang kapulisan ng Lungsod ng Malolos sa kanilang magiting na kampanya para masawata ang paglaganap ng iligal na droga sa lungsod. (UnliNews Online)