LUNGSOD NG MALOLOS — Nakiisa at suportado nina Gobernador Daniel Fernando, Bise Gobernador Alex Castro at Kinatawan Danny Domingo ng Unang Distrito ng Bulacan ang bumubuo ng One Malolos SAKTONG TIMPLA sa pangunguna nina Mayor Christian D. Natividad at Vice Mayor Migs Bautista.
Ayon sa nagbabalik na alkalde ng lungsod ng Malolos na si Mayor Natividad, (unopposed candidate) “Saktong sakto na ang timpla, ‘wag na tayo mag-iba! Dun tayo sa subok na sa pagtutulungan, at pagkakaisa.”
Dagdag pa nito, “Para sa isang Malolos na masigla at maginhawa! Tunay na Dakila ang Bayan na may Malasakit sa Mamamayan at may serbisyong hatid ay LANGIT DITO SA LUPA!”
Bubuo sa One Malolos TEAM SAKTONG TIMPLA na maglilingkod sa mga Malolenyo bilang mga nagbabalik at bagong miyembro ng Sangguniang Panlungsod na si Kons. JV Vitug, Kons. Atty. Dennis San Diego, dating Vice Mayor Len Pineda, Kap. Jawo Hernandez, dating ABC pres. Jun Cruz, Coach Geli Bulaong, dating Kons. Poncho Arcega, Kons. Troi Aldaba. Miel Agustin, at Atty. Muchas Gracia habang si Kons. Michael Aquino ay kumakandidatong Board Member sa 1st District.
Ani naman ng mananatiling Bise Alkalde ng lungsod na si Vice Mayor Bautista “One Malolos po para sa bawat Maloleño!” (UnliNews Online)