Monday, August 4, 2025
Amana Water Park
HomeOpinionAUTHOR'S VIEWPOINTHouse to house mga kandidato sobrang kwela

House to house mga kandidato sobrang kwela

SA pagsuot sa mga kabahayan squatter area man iyan ay walang problema sa mga kandidato na nangangampanya. Ang pakikipagdaupang-palad sa maruruming mga kamay ng mga kandidato sa mga residente sa bawat barangay ay hindi maiiwasan dahil bahagi iyan ng panliligaw nila sa mga botante.

Wika nga wala kang pipiliin na kakamayan sa panahon ng pangangampanya kahit marumi ang mga palad ng mga tao na kanilang kinakamayan. Saka ka na lang mag-spray ng alcohol kapag ikaw na kandidato ay nasa loob na ng iyong sasakyan.

Kung ikaw ay kandidato hindi alintana ang kalagayan ng mga botanteng liligawan. Kung lalake ka, gagawin mong akbayan ang inyong constituents kahit sila ay pawisan, kahit pa amoy putok ay pagtiisan mo na lang dahil kailangan mo ang kanilang boto, gayundin naman sa mga kababaihang kandidato. Kahit amoy beha si kabayan ay yayakapin mo din dahil kailangan mo ang kanilang boto.

Kung si kandidatong lalake naman ay napadaan sa umpukan ng mga kalalakihang nag-iinuman at ang ang gamit sa tagayan ay isang baso lamang ay hindi ka makatututol kung ikaw ay bigyan ng tagay. Huwag mong papahiran ng tissue o panyo ang labi ng baso para hindi ka mapintasang nandidiri sa baso. Sasairin mo ang alak sa baso kasama ang mga laway ng mga magkakainuman.

(Contributed photo)

Hindi rin maiiwasan na may mga botante na mahilig manghingi ng harapan sa mga kandidatong nangangamay. Dahil bawal ang magpamingay ng pera sa panahon ng pangangampanya bahala na ang iyong staff na mag-abot ng simple ng walang nakakakita dahil baka mapiktyuran ka ng cellphone camera. Maaari namang tumangging magbigay ang kandidato dahil bawal pero iyang kostumbreng maawain ang siyang bumabali sa batas.

Ang kakaiba sa panahon ng kampanyahan ay masaya dahil mistulang artista na iniidolo ng kani-kanilang mga supporters ang mga kandidato. Kung minssn nga ay humahantong sa awayan ang kantiyawan ng mga supporters ng magkabilang panig kaya pagkatapos ng eleksiyon ang magkakaribal na kandidato ay magkakasundo na pero ang magkakaalitan na mga supporter ay hindi pa rin nagbabatian. (UnliNews Online)

RELATED ARTICLES

WE ENDORSE

FOLLOW US ON FACEBOOK

Latest News