LUNGSSOD NG MALOLOS, Bulacan — Anim na bahay at dalawang silid-aralan ang “nilamon” ng apoy noong Linggo ng umaga sa Sitio Bantayan 2nd, Barangay Bulihan dito sa nabanggit na lungsod.
Base sa naging ulat ng Malolos City Fire Station naganap ang sunog sa likod ng Bulihan Elementary School pasado alas-7 ng umaga at naapula bandang alas-8:10.

Hindi pa batid ang naging danyos ng naturang sunog at wala namang naiulat na nasaktan.
Ayon naman kay ret. Col. Manuel Lukban, head ng Bulacan Disaster Risk Reduction and Management Officer, sa nakalipas na dalawang Linggo ay nakakatanggap umano ang kanyang opisina ng tatlong tawag kada araw ng mga insidente ng sunog.
Iniuugnay niya umano ito sa mga alarma sa matinding init na nagpapasiklab ng damo, basura, residential at industriyal na sunog. (UnliNews Online)
(Larawan mula sa live FB broadcast ni Djkyla Benedicto Bernardo)