Wednesday, June 4, 2025
Amana Water Park
HomeProvincial NewsBulacan UnliNews6 drug traders sa San Vicente, Malolos ‘laglag’ sa P140K shabu

6 drug traders sa San Vicente, Malolos ‘laglag’ sa P140K shabu

LUNGSOD NG MALOLOS –Muli na namang sinalakay ng Station Drug Enforcement Unit ng Malolos City Police Station ang Barangay San Vicente noong Martes (April 1) na nagresulta ng pagkakaaresto ng anim katao na sangkot sa pagpapalaganap ng iligal na droga sa naturang lungsod.

Base sa naging ni ulat Lt. Col. Rommel E. Geneblazo, Malolos City chief of police kay Col. Satur Ediong, Bulacan provincial director, bandang alas-8:30 ng gabi ng ilatag ang isang buy-bust operation ng kapulisan kung saan 14 plastic sachets ng hinihinalang shabu na tumitimbang ng 20.7 gramo at nagkakahalaga ng P140,760.00 ang nasamsam sa anim na suspek.

Matatandaan noong nakaraang buwan ng Marso, 5 katao na sangkot sa iligal na droga na naaresto sa nabanggit na barangay kung saan narekober ng mga pulis ang 30 gramo ng shabu na aabot sa halagang P204,000.00 at isang .45 caliber pistol na may isang nakasingit na magazine at anim na pirasong live ammunition.

Angmga suspek ay kasalukuyang nasa kustodiya na ng Malolos PNP at sasampahan ng kasong paglabag sa Section 5 at Section 11, Article II ng RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002).

“Ang matagumpay na operasyong ito ay bahagi ng ng ating patuloy na kampanya laban sa iligal na droga. Patuloy tayong magtulungan upang masugpo ang salot na ito sa ating lipunan,” ani Col. Geneblazo.

Dagdag pa ni Geneblazo, “Ang Malolos City PNP ay patuloy na nananawagan sa publiko na makipagtulungan sa pamamagitan ng pagbibigay ng impormasyon upang masugpo ang ilegal na droga sa ating komunidad.” (UnliNews Online)

Manny D. Balbin
Manny D. Balbinhttp://unlinews.org
Emmanuel "Manny" Dineros Balbin, founder and editor-in-chief of UNLINEWS ONLINE and UNLINEWS Digital Newspaper, is a former seminarian of Oblates of Mary Immaculate (OMI) in Notre Dame University Seminary in Cotabato City. Graduated college with Philosophy and Political Science courses at the University of Santo Tomas, Legazpi City. A former Journal Group of Publication (People's Journal, People's Tonight, Taliba & Women's Journal) staffer for 17 years. Before, he simultaneously contributed news articles to 3 local newspapers in Bulacan (NewsCore, MetroNews & NewsWatcher). He is the founder and the former editor-in-chief of RONDA Balita, both in weekly newspaper and online news. A former Kabayan provincial reporter, 2010 Bulacan election correspondent by Rappler and presently, a stringer of Philippine News Agency (PNA) Bulacan.
RELATED ARTICLES

WE ENDORSE

FOLLOW US ON FACEBOOK

Latest News