MARILAO, Bulacan — Sinalakay makaraang madiskubre ng National Bureau of Investigation (NBI) sa tulong ng lokal na pulisya ang isang imbakan ng mga kemikal sa paggawa ng bomba sa nabanggit na bayan noong Biyernes (April 4).
Base sa ulat ng local police, kinilala ang kumpanya bilang Philippine Chuangxin Industrial Corp. na matatagpuan sa Unit D1 at D2 Greenmiles Compound, Inc. na matatagpuan sa Barangay Santa Rosa 1, Marilao. Bulacan.
Isang search warrant ang ipinatupad ng NBI office of the director, Cyber Crime Division- Special Task Force sa nasabing kumpanya dahil sa umano’y pagmamanupaktura ng ammonium nitrate, sulfuric acid, bukod sa iba pa na pangunahing sangkap sa paggawa ng mga pampasabog sa kabila ng rehistradong kumpanya bilang manufacturer ng tungsten.
Ang raid ay nagresulta sa pag-aresto sa apat na Chinese national at 20 lokal na manggagawa at patuloy pa rin ang imbestigasyon. (UnliNews Online)