SA kabila ng matinding sikat ng araw, pinangunahan ni Atty. Anel Diaz, first nominee ng Pamilya Ko partylist, ang house-to-house campaign sa malaking bahagi ng bayan ng Plaridel sa lalawigan ng Bulacan kasama ang kanyang mga taga-suporta noong Biyernes (April 11).
Ayon kay Diaz, makakaasa ang mga Pilipino nang serbisyong tunay at may puso ang ihahatid ng Pamilya Ko partylist. Ang Numero 150 sa balota sa darating na halalan sa Mayo 12.
“Produkto mismo ng makabagong pamilyang Pilipino, ang kanilang mga programa kung saan ramdam nila ang nararanasang suliranin ng mga single parents, OFWs, at mga mag-live in partners,” ani Atty. Diaz.
Dagdag pa nito na “Handa nila itong tugunan sa pamamagitan ng mga proyektong pangkabuhayan o livelihood.
Sinabi pa ni Atty, Diaz na nag-identified lamang sila ng ilang lugar sa Pilipinas dahil limitado ang kanilang resources, hindi tulad ng pangangampanya ng mga senador na kailangang libutin ang ibat-ibang sulok ng bansa.
Sa pamamagitan ng kanyang dating estudyante sa law na si Atty. James San Diego, na lumalaban sa pagka-alkalde ng Plaridel, nakiisa siya sa motorcade, dahil naniniwala umano siya na may puwang ang partido ng Pamilya Ko partylist sa pangangailangan ng mga residente dito sa bayan ng Plaridel at sa buong lalawigan ng Bulacan.
Sa kasalukuyan, nasa 12 lalawigan na ang napuntahan ng Pamilya Ko partylist, mula sa Bacolod, Bataan, Batangas, Cavite, General Santos City, Iloilo, Manaoag Pangasinan, Dumaguete, Manila, Lucena, Negros, Rizal, at Bulacan. (UnliNews Online)