Monday, August 4, 2025
Amana Water Park
HomeOpinionKatropa sa UnliNewsBENTAHE SA 2025 ELECTION SA BULACAN

BENTAHE SA 2025 ELECTION SA BULACAN

MULI ay nakatanggap tayo ng ulat mula sa ating masugid na tagasubaybay, ito ay tungkol sa Araw ng pagtatapos ng kanilang mga mag-aaral sa isang paaralan sa Cavite (ayaw pabanggit ang name ng school), batay sa kanyang report, ang graduation ay napakasarap damhin, pakinggan ng musika ng pagtatapos. “sabi pa ng mga magsisipagtapos, yes we did it but this is just the beginning!

Tama umpisa ng panibagong hakbang sa larangan ng edukasyon upang makamit ang mga pangarap sa buhay. Sobrang saya na hindi matatawaran, salamat sa mga magulang na andyan upang gabayan kami sa aming mga pangarap,” wika ni Aling Mel, nangasiwa ng nasabing pagtatapos ng mga batang magaaral.

Tsk! Tsk! Tsk! Talagang iba ang pakiramdam ng nakatapos, narito ang ating mensahe sa Araw ng Pagtatapos para sa mga Bata. Ang Katropa ay bumabati sa mga nagsipagtapos! Ngayon ay humuhugis ng isang makabuluhang milestone sa inyong buhay, habang kayong lahat ay lumipat mula sa isang kabanata patungo sa susunod pa.

Tandaan na pahalagahan ang mga pagkakaibigan na ginawa ninyo, at ang mga aral na inyong natutunan. Yakapin ang inyong pagkamausisa, maging matapang sa pagharap sa mga hamon, at palaging magpakita ng kabaitan sa iba.

Ito ay hindi lamang isang pagtatapos; ito ang simula ng mga bagong pakikipagsapalaran na puno ng mga pagkakataong umunlad at sumikat. Ipagdiwang ang inyong tagumpay ngayon, at asahan ang lahat ng mga kamangha-manghang bagay na magagawa ninyo pa sa hinaharap!

Sa susunod sana ang magpapadala ng ulat ay huwag mahiyang banggitin ang mahahalagang pangalan na pagkakakilanlan, maging ang tunay mong pangalan. Salamat sa ulat Aling Mel, hanggang sa muli.


Nitong nakaraang araw ay nakadaumpalad natin ang isa sa mga taong iginagalang ng mga San Josenios, siya din ang kasama sa tiket nila re-electionist Bulacan Gov. Daniel Fernando at VG Alex Castro, walang iba kundi ang isa sa miyembro ng Mr. Pogi team, na si Kgg. Romeo N. Agapito, tumatakbong Punong Lungsod sa Lungsod ng San Jose Del Monte (LSJDM), sa 2025 Election.

Wika nga ni Agapito, hindi niya bibiguin ang mga San Josenios, sa oras na siya ay maupo bilang pangunahing lider ng naturang lungsod.

Tsk! Tsk! Tsk! Ayon nga sa isang mananampalataya, pagbabago ang kailangan, bagong anyo ng pagasa at kasagutan sa hinaing ng mga api at maralita.


Hindi inaasahan pagkakataon ay nagkita kami muli ng magtataho, at may ikinuwento na iyun daw isa sa kalaban ni Daniel Fernando ay malayo na ang agwat ng kalamangan. Nagsalita pa ng hindi maganda, dagdag pa ng tindero ng tahong mapakla.

Tsk! Tsk! Tsk! Habang bumubulong-bulong, binigyan niya ako ng isang basong taho na walang arnibal. Ibinulong ko sa kanya na ang mga bentahe ni Daniel Fernando sa kanyang mga kalaban sa halalan ay ang pagiging bata, maraming makabagong ideya para sa kaunlaran ng Bulacan, ang kanyang kasipagan sa panunungkulan at karanasan, isang napatunayang track record ng mga tagumpay, malakas na alyansa sa pulitika, pagkilala sa publiko, at hinaharap, binibigyan ng solusyon ang mga lokal na isyu.

Ang mga ito ay sama-samang nagpapahusay sa kanyang kandidatura habang hinahangad niyang muling mahalal. Nang marinig ng magtataho ang aking sinabi, isang pitsel na taho na may arnibal ang ibinigay sa akin, libre! Hanggang sa muli! (UnliNews Online)

Vic Billiones
Vic Billioneshttp://unlinews.org
VIC Billones lll was born and raised in Manila, Philippines. He started writing short stories and illustrating in Comics competitively while studying B. S. Journalism at the Lyceum of the Philippines, Intramuros, Manila, in 1977 and graduated in 1981. After graduating from college, he started to write and work in several national newspapers such as The Philippine Tribune, Liberty, KABAYAN, and broadsheet Sun Star Manila as a correspondent in the Province of Bulacan. In 2003 he toured in Los Angeles California, USA, for a month. Before he left the USA, he met Mr. Calvert Dacanay, then the Publisher of TALIBA. Inc. Billones became a columnist and was designated as Bureau Chief of TALIBA, Inc USA, based in the Philippines and he left the USA in 2011. In July 2016, Billones asked to work as a Consultant for Media Affairs, for the City Administrator’s Office at the City of San Jose Del Monte (CSJDM,) Bulacan. ended July, 2022, besides his job in CSJDM, he pursues his passion for writing a weekly columns for RONDA BALITA and RONDA Online News; Board of Editor/Columnist for SAKTO Balita; Columnist for Waterfront News, LATIGO Newspaper, Mabuhay Newspaper, CENTRO News, News Watcher and Luzon Times.
RELATED ARTICLES

WE ENDORSE

FOLLOW US ON FACEBOOK

Latest News