LUNGSOD NG MALOLOS — Nangunguna si incumbent Governor Daniel Fernando at anbg ka-tandem nito na si Vice Governor Alex Castro sa lahat ng legitimate gubernatorial at vice gubenatorial surveys sa lalawigan ng Bulacan.
Batay sa pinakahuling survey na isinagawa ng Global Innovation Consensus, isang leading SEC-Registered poll survey and research firm sa bansa, si Gov. Fernando ay “unbeatable” sa Gubernatorial Race sa lalawigan ng Bulacan sa landslide support na 81% mula sa kanyang mga nasasakupan at gayundin naman si Vice Gov. Castro na sigurado na ang panalo.
Kasunod ng Gobernador ng Bulacan ay ang katunggaling si Bogs Violago na may 10%, at dating Gov. Willy Sy-Alvarado na may 7%, habang 2% na lamang nananatiling undecided.
Gayundin, ang mga legitimatte surveys sa iba’t ibang munisipalidad at lungsod sa Bulacan ay nagpapakita ng pambihirang lakas ng kandidatura ni Gov. Fernando kasama ang katuwang sa pamamahala na si Vice Gov. Castro sa unang bahagi pa lamang ng kampanya para sa May 12, 2025 elections.
Isinagawa ang survey sa pagitan ng Pebrero 1 at 8, 2025 at inilabas ng GIC nitong huling linggo ng buwan ng Marso matapos ang pagususuri sa pananaw at kasiyahan ng mga residente ng Bulacan sa pagiging epektibo ng pamumuno ng gobernador at bise gobernador, pagpapatupad ng programa, at transparency ng pamamahala batay sa feedback ng mahigit ng 6,000 respondents mula sa 24 na lungsod at munisipalidad ng Bulacan.
Batay sa survey, buo ang tiwala ng mga Bulakenyo sa mga high-visibility programs ni Gov. Fernando at Vice Gov. Castro, sa kanilang pagiging makamasa, palagiang pagdamay at pakikipag-ugnayan sa komunidad, at mabuting pamamahala sa lalawigan.
Ang survey ay nagpapakita rin sa kahalagahan ng grassroots interaction at digital na komunikasyon sa paghubog ng pampublikong opinyon. Ang mga resulta ng nabanggit na survey ng GIC ay nakonpirma bago pa man ang ospisyal na paglulunsad ng kampanya at nagpapatunay na desidido ang mga Bulakenyo kung sino ang karapat-dapat na mamuno sa lalawigan ng Bulacan sa susunod na tatlong taon. (UnliNews Online)