Monday, August 4, 2025
Amana Water Park
HomeProvincial NewsBulacan UnliNews2 preso ng Bulacan Provincial Jail, ‘naaresto’ sa labas ng kulungan

2 preso ng Bulacan Provincial Jail, ‘naaresto’ sa labas ng kulungan

LUNGSOD NG MALOLOS — Naaresto ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) – Bulacan District Office ang dalawang Persons Deprived of Liberty (PDLs) sa Bulacan Provincial Jail noong Linggo ng hapon (April 13) sa Barangay Dakila sa nasabing lungsod.

Base sa ulat, kinilala ang mga naaresto detinado na sina Abdua Arajalon, residente ng Patikul, Jolo Sulu at Mario San Jose na residente ng San Miguel, Hagonoy, Bulacan.

Bukod sa dalawa ay naaresto rin ang jail guard na si Tee-Jay Jimenez, jail personnel ng Bulacan Provincial Jail at ang babaeng si Sarah Wahid na asawa ng presong si Arajalon.

Sinabi sa ulat na si Arajalon ay nahaharap sa kasong murder at nakakulong sa Bulacan Provincial Jail na may posisyon na “Mayor” at miyembro ng Sputnik Gang habang may kasong homicide si San Jose at may posisyon na “Chairman of Brgy 11” at miyembro ng Sputnik Gang.

Si Jimenez ay isang job order prison guard na nakatalaga sa Bulacan Provincial Jail ay inaresto dahil sa ilegal na pag-escort sa mga detenido sa labas ng pasilidad nang walang anumang pormal na pahintulot ng korte.

Kinilala si Wahid bilang 2nd wife (muslim marriage) ni Arajalon at inaresto dahil sa umano’y pakikipagsabwatan at pagbibigay ng pagpayag sa pagtakas ng isang detainee.

Lumabas sa inisyal na imbestigasyon na pinangunahan ng CIDG Bulacan tracker team ang manhunt operation laban sa mga tumakas mula sa Bulacan Provincial Jail at nahuli ang apat sa flagrante delicto sa labas ng jail facility nang walang kaukulang utos ng korte na nagpapahintulot sa kanilang presensya sa labas ng detention premises.

Narekober sa apat ang isang ranger na si 1911A1 Cal. .4545 pistol na may SN. CO1190; isang magazine assembly para sa Cal. .45; anim na live ammunition para kay Cal. .45; isang Glock 17 9mm pistol na may SN. SNAADY235; isang magazine assembly para sa cal. 9mm; siyam na live ammunition para sa cal. 9mm; isang Glock holster; at pulang Toyota Hilux na may plakang DBP 4088.

Sinikap ng UnliNews Online na makuha ang panig ni Ret Col. Rizalino Andya, hepe ng Provincial Civil Security and Jail Management Office (PCSJMO), na syang pansamantalang nangangasiwa sa panlalawigang piitan ng lalawigan.

Samantala, detenido ngayon ang mga suspek sa CIDG Detention cell habang inihahanda ang patong-patong na kaso. (UnliNews Online)

Manny D. Balbin
Manny D. Balbinhttp://unlinews.org
Emmanuel "Manny" Dineros Balbin, founder and editor-in-chief of UNLINEWS ONLINE and UNLINEWS Digital Newspaper, is a former seminarian of Oblates of Mary Immaculate (OMI) in Notre Dame University Seminary in Cotabato City. Graduated college with Philosophy and Political Science courses at the University of Santo Tomas, Legazpi City. A former Journal Group of Publication (People's Journal, People's Tonight, Taliba & Women's Journal) staffer for 17 years. Before, he simultaneously contributed news articles to 3 local newspapers in Bulacan (NewsCore, MetroNews & NewsWatcher). He is the founder and the former editor-in-chief of RONDA Balita, both in weekly newspaper and online news. A former Kabayan provincial reporter, 2010 Bulacan election correspondent by Rappler and presently, a stringer of Philippine News Agency (PNA) Bulacan.
RELATED ARTICLES

WE ENDORSE

FOLLOW US ON FACEBOOK

Latest News