Monday, August 4, 2025
Amana Water Park
HomeOpinionAUTHOR'S VIEWPOINTLibreng farm machineries para sa San Rafaeleños farmers

Libreng farm machineries para sa San Rafaeleños farmers

MAPAPAGAAN na ang trabaho sa bukid ng mga magsasaka sa bayan ng San Rafael, Bulacan dahil maipagkakaloob sa kanila ang libreng serbisyo ng mga makinaryang pambukid tulad ng drone sprayer/seed sower, rice harvester at farm tractor.

Ito ang sinabi ni San Rafael Mayor Cholo Violago, na kumakandidatong kongresista sa Ikatlong Distrito ng Bulacan sa harap ng mga mamamayan ng barangay Pinacpinacan sa bayan ng San Rafael, kamakailan. Doon sa bahaging bukirin ng nasabing barangay ay pinangunahan ni Mayor Cholo ang demonstration ng pagpapalipad ng drone sa paggabay ng mga tauhan ng San Rafael municipal agriculture office.

NASA larawan ang drone sprayer/seeds sower bago isagawa ang demonstration na mismong si Mayor Cholo Violago ang nagpalipad ng nasabing drone sa pag-alalay ng mga tauhan ng San Rafael Municipal Agriculture Office.

Ayon kay Mayor Violago, may kakayahan ang drone seed sower na magsabog ng binhing palay sa isang ektaryang bukid sa loob ng humigit-kumulang sampung minuto lamang samantalang ang manwal na pagsasabog ng binhi sa isang ektaryang palayan ay umaabot ng isang araw. Ito anya ang pangmahabaan at pangmatagalang solusyon na makatutulong sa problema ng mga magsasaka.

Sa ganitong paraan ay matutulungan ang mga magsasaka na mabawasan ang kanilang malaking gastusin sa paghahanda pa lamang ng bukid maging sa pagtatanim ng palay. Bukod sa pagbobomba ng insecticide at herbicide, ang nasabing drone sprayer/seed sower ay may kakayahan ding magsabog ng pataba o abono sa mga tanim na palay kaya totoong mapabibilis ang trabaho sa bukid.

Kaya naman hindi lamang ang mga farmers ng San Rafael ang makikinabang sa programang ito ni Mayor Cholo dahil kapag siya ay nakaluklok na sa Kongreso ay ang mga magsasaka sa buong 3rd District ang makikinabang sa programang ito ni Mayor Cholo.

Ang kailangan niya ay suporta ng mga mamamayan ng Ikatlong Distrito upang ang magagandang programa sa bayan ng San Rafael ay makamtan din naman ng mga mamamayan sa mga bayan ng San Ildefonso, San Miguel at Doña Remedios Trinidad ang mga programang pang kaunlaran na ilalatag ni Mayor Cholo sa Ikatlong Distrito ng Bulacan.

Bukod sa drone sprayer/seeds sower, magagamit din ng libre ng mga magsasaka ng Ikatlong Distritong Bulacan ang mga traktora at rice harvesters na ihahandog ng kumakandidatong Kongresista ng 3rd District ng Bulacan na si Mayor Cholo Violago kapag siya ay nabigyan ng pagkakataon na maging diputado ng kanilang distrito. (UnliNewsw Online)

RELATED ARTICLES

WE ENDORSE

FOLLOW US ON FACEBOOK

Latest News