CAMP ALEJO SANTOS, Bulacan — Arestado ang isang babaeng akusado sa human trafficking at large-scale illegal recruiter sa simbahan sa bayan ng Balagtas noong Black Saturday (April 19).
Base sa ulat na nakarating kay Brig. Gen. Jean Fajardo, Central Luzon police director, kinilala ang akusado na si alyas Neldy na nakalista bilang No.1 Most Wanted Person sa Lungsod ng Baliwag at No.2 Most Wanted Person sa lalawigan ng Bulacan.
Lumalabas sa inisyal na imbestigasyon na si alyas Neldy ay naaresto sa compound ng San Lorenzo Parish Church sa bayan ng Balagtas dakong alas-2:25 ng hapon noong Sabado,
Ayon kay Col. Franklin Estoro, acting Bulacan police director, inaresto ang akusado sa pamamagitan ng pagpapatupad ng warrant of arrest para sa Anti-Trafficking In Persons Act of 2003 as Amended by R.A 10364 na inisyu ni Hon. Francisco Padilla Felizmenio, Presiding Judge ng Regional Trial Court Third Judicial Region, Branch 19 sa Lungsod ng Malolos na may petsang Marso 25, 2025 na walang inirekomendang piyansa.
Kasalukuyang naka-detain ang suspek sa Balagtas lock-up cell. (UnliNews Online)