Monday, June 2, 2025
Amana Water Park
HomeProvincial NewsBulacan UnliNews2 crim students pinagbabaril sa loob ng milktea shop sa SJDM

2 crim students pinagbabaril sa loob ng milktea shop sa SJDM

LUNGSOD NG MALOLOS — Dalawang criminology student ang walang habas na pinagbabaril sa loob ng isang milktea shop sa Barangay Paradise III, San Jose del Monte City, Bulacan, noong Lunes (April 21).

Kinilala ang mga biktima na sina Rey Allen Nevado De Jose, 20 taong gulang at Jeric Castillo, 23.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon, bago ang pamamaril ay nagkaroon ng alitan sa lansangan sa labas ng nabanggit na tindahan kasunod ng banggaan ng tricycle at motorsiklo.

Naayos naman umano ang nangyaring insidente sa barangay level ngunit may isang lalaki ang pumasok sa tindahan ng milk tea at nagtanong kung sino ang nanakit sa kanyang anak.

Nang walang sumagot, bumunot ito ng baril at nagpaputok na tinamaan sina De Jose at Castillo na hindi naman kasama sa naunang kaguluhan.

Mabilis namang tumakas ang gunman sa hindi matukoy na direksyon matapos ang pamamaril.

Narekober ng pulisya sa pinangyarihan ang limang basyo ng bala mula sa kalibre .45 na pistola.

Naglunsad na ng manhunt ang mga awtoridad para sa suspek na umano’y residente ng kalapit na barangay.

Sinabi ng mga saksi na napagkamalan ang mga biktima na mga sangkot sa naunang away.

Umaapela naman ang kanilang mga magulang sa suspek na sumuko, at sinabing hindi titigil ang hustisya hangga’t hindi siya napapanagot.

Ayon naman sa SJDM police, tukoy na nila ang pagkakakilanlan ng suspek at patuloy ang backtracking at manhunt operation para sa tuluyang pagkakaaresto nito. (UnliNews Online)

Manny D. Balbin
Manny D. Balbinhttp://unlinews.org
Emmanuel "Manny" Dineros Balbin, founder and editor-in-chief of UNLINEWS ONLINE and UNLINEWS Digital Newspaper, is a former seminarian of Oblates of Mary Immaculate (OMI) in Notre Dame University Seminary in Cotabato City. Graduated college with Philosophy and Political Science courses at the University of Santo Tomas, Legazpi City. A former Journal Group of Publication (People's Journal, People's Tonight, Taliba & Women's Journal) staffer for 17 years. Before, he simultaneously contributed news articles to 3 local newspapers in Bulacan (NewsCore, MetroNews & NewsWatcher). He is the founder and the former editor-in-chief of RONDA Balita, both in weekly newspaper and online news. A former Kabayan provincial reporter, 2010 Bulacan election correspondent by Rappler and presently, a stringer of Philippine News Agency (PNA) Bulacan.
RELATED ARTICLES

WE ENDORSE

FOLLOW US ON FACEBOOK

Latest News