LUNGSOD NG MALOLOS — Nais ni Gobernador Daniel R. Fernando na bawiin ang joint venture agreement sa pagitan ng mga water district sa lalawigan ng Bulacan na apektado ng “mahinang serbisyo” ng PrimeWater Infrastructure Corporation.
Ito ang naging pahayag ng gobernador sa kabila ng maraming reklamo na natatanggap ng kanyang tanggapan kaugnay ng krisis sa tubig na dulot ng supply ng tubig ng PrimeWater, kabilang ang mga bayan ng Calumpit, Malolos City, Marilao, at San Jose Del Monte City.
Sinabi ni Ferrnando na matagal na siyang nakakatanggap ng mga reklamo laban sa PrimeWater mula sa libu-libong residente sa mga nasabing lugar kaya naman hinihintay niya ang ulat ng Sangguniang Panlalawigan ng Bulacan hinggil sa ipinatawag na pagdinig ng komite kamakailan sa PrimeWater upang mabigyan ng agarang aksyon.
Ayon naman kay Vice Gov. Alex Castro na nagsagawa sila ng mga pagdinig ng komite kamakailan hinggil sa mahihirap na serbisyo ng PrimeWater kung saan inutusan ng SP ang PrimeWater na ilabas at ipakita ang kontrata o pinirmahang memorandum of agreement.
Gusto ni Castro na makita ang kontrata dahil alam niyang may paglabag ang PrimeWater sa kasunduan.
Umapela sina Fernando at Castro sa pambansang pamahalaan, lalo na sa senado na gumawa ng imbestigasyon sa usapin at gayundin sa Local Water Utilities Administration (LWUA), na bigyang pansin ang hinaing ng mga Bulakenyo at makialam sa kanilang mga problema dahil wala umano ang PrimeWater sa hurisdiksyon ng local government unit.
“I think this is a national issue na hindi lang problema ng Bulacan, problema rin ito sa ibang mga lugar na dapat nang pakialaman ng national government,” said Castro.
Sinabi ni Fernando na hinihintay na lamang niya ang ulat ng Sangguniang Panlalawigan, para makagawa siya ng executive order kung paano matutugunan ang pag-aalala laban sa PrimeWater.
Ito rin ang sentimyento ng San Jose Del Monte City Water District kung saan nakagawa na sila ng resolusyon para sa pre-termination ng kanilang joint venture agreement sa PrimeWater Infrastructure Corporation (PWIC) na pag-aari ng Villar. (Unlinews Online)