LUNGSOD NG MALOLOS, Bulacan — Matagumpay na nasabat ng mga tauhan ng Malolos PNP Drug Enforcement Unit (SDEU) ang tinatayang P131,920 halaga ng shabu, at naaresto ang dalawang suspek sa isinagawang anti-illegal drug operation (buy-bust) noong Lunes ng gabi (April 28) sa Barangay Caniogan sa nasabing lungsod.
Base sa ulat na natanggap ni Brig. Gen. Jean S. Fajardo, PRO3 Regional Director mula kay Col. Franklin Estoro, Officer-in-Charge ng Bulacan Police Provincial Office (Bul PPO), kinilala ang mga naarestong suspek sa kanilang mga alyas na “Allan”, 53 anyos at “Darrel”, 33 anyos na pawang mga residente ng Inang Wika St. Brgy. Caniogan.
Ayon kay Lt. Col. Rommel Geneblazo, Malolos City Chief of Police, narekober sa mga suspek ang 10 piraso ng heat sealed plastic sachets na naglalaman ng hinihinalang shabu na may timbang na 19.4 grams at nagkakahalaga ng P131,920.
“Ang matagumpay na operasyong ito ay bahagi ng ating patuloy na pagsisikap sa paglaban sa iligal na droga. Sama-sama nating ipagpatuloy ang pagkilos upang tuluyang masugpo ang salot na ito sa ating lipunan at mapanatili ang kapayapaan at kaayusan para sa lahat,” ani Col. Geneblazo.
Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. (UnliNews Online)