Monday, August 4, 2025
Amana Water Park
HomeOpinionAUTHOR'S VIEWPOINTBakit may vote buying at vote selling?

Bakit may vote buying at vote selling?

ANG kostumbreng “vote buying” at “vote selling” ang kasing tanda na yata ng pulitika sa Pilipinas. Ito naman ay tuwing panahon lang ng eleksiyon at pagkatapos nito ay mahihirapan nang manghingi sa mga pulitiko lalo na sa mga talunang kandidato pagkaraan ng halalan ang mga taong palaasa sa mga pulitiko.

Ang pagbili kasi ng boto ng mga kandidato ay hindi bulgaran. Siyempre mayroong tagabigay ng kwarta. Mahirap kasi na maaktohan na naminigay ng pera ang kandidato dahil makakasuhan siya ng vote buying na magiging dahilan ng kanyang pagkadiskuwalipika.

Kapag sinabi kasing vote buying at vote selling ito ang pinaka ultimong laban ng mga kandidato. Ngayon yata ay hindi na individual ang bilihan ng boto kungdi kada pamilya na. Sabi nga ng beteranong pulitiko na kakilala ko, anomang bagay anya pera man o hindi kapag ipinamimigay sa mga tao kung panahon bg eleksiyon ay kinukunsiderang pamimili ng boto.

May mga pamilya kasi na talagang nagbebenta ng kanilang karapatan sa pagboto. Halimbawang mayroong middleman o coordinator ng isang pulitiko siya ang papapel sa pamilyang nagbebenta ng boto. Halimbawang 1k, 2k , kada ulo o mas mataas pa sa mga halagang ito kung ang miyembro ng isang pamilya ay maysampung botante, tumataginting na sampu hanggang dalawampung libong piso ang kanilang tatanggapin.

Nangyayari din na ang magkakalabang pulitiko sa anomang posisyon sa lokalidad ay nagpapataasan ng presyo sa pagbili ng boto at ito ang pagkakataon na hinihintay ng mga botanteng walang prinsipyo kaya kung sino ang kandidato na mataas magpresyo ay siya na ang tatangkilikin ng mga botanteng nagbebenta ng kanilang boto.

Wika nga, hindi naman lahat ng botante ay nagbebenta ng boto. Marami din namang botante na ang puso at talino ang kanilang ginagamit at hindi sila kayang bilhin dahil mataas ang antas ng kanilang dignidad. Pasintabi sa mga botanteng nagbibili ng boto.

Hindi rin naman masisisi ang mga taong nagbebenta ng boto. Dahil sa kakapusan sa kabuhayan. Nagagawa nilang kumapit sa patalim at lunukin ang kanilang pride upang sa maliit na halaga ay ipinagbibili nila ang kanilang sagradong karapatan sa pagboto at ganyan ang klase ng mga tao na madaling ligawan ng mga tusong kandidato.

Hangga’t maraming naghihirap na Pilipino, ang kostumbreng vote buying at vote selling ay hindi mawawala. Sabi nga ng kakilala kong veteran politician, pabor sa kanila kung mayroong hukbo ng mga squatter dahil solid ang boto nila at wala silang pakialam kung sino man ang mga kandidatong mananalo. Ang mahalaga sa kanila ay ang isang ‘bagsak’ bago ang araw ng halalan. (UnliNews Online)

RELATED ARTICLES

WE ENDORSE

FOLLOW US ON FACEBOOK

Latest News