CAMP ALEJO SANTOS, Bulacan — Nalambat ng pulisya noong Lunes ng hapon (May 5) ang “top 10 most wanted person” sa provincial level na may kasong paglabag sa Republic Act 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act matapos mahulihan ng iligal na baril sa Barangay FVR, Norzagaray.
Base sa ulat ni P/Col. Franklin P. Estoro, Officer in Charge ng Bul PPO, naaresto ang wanted person na itinago sa alias na Felizardo, 51 anyos, may-asawa, isang welder and kasalukuyang nakatira sa Brgy FVR, Norzagaray, Bulacan.
Ayon kay Col. Estoro, naaresto ang suspek ng Tracker Team ng Norzagaray PNP sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Hon. Reuben Ritzuko Teshiba Veradio, Presiding Judge, Regional Trial Court, Third Judicial Region, Branch 104, Malolos City at may rekomendadong piyansa na P180,000.
Ang akusado ay kasalukuyang nakadetine sa Norzagaray Police Station para sa wastong disposisyon. (UnliNews Online)