Monday, June 2, 2025
Amana Water Park
HomeProvincial NewsBulacan UnliNewsTambalang Natividad at Bautista, ‘Saktong Timpla’ handog sa mga Malolenyo

Tambalang Natividad at Bautista, ‘Saktong Timpla’ handog sa mga Malolenyo

LUNGSOD NG MALOLOS, Bulacan — “Saktong-sakto na ang timpla. Huwag na tayong mag-iba, Dun na tayo sa subok na sa pagtutulungan at pagkakaisa”.

Ito ang laging pahayag ni Mayor Christian D. Natividad sa bawat pagtitipon na kanyang dinadaluhan na hindi na kailangang mag-iba at palitan. Hindi na kailangan kumpunihin dahil hindi naman sira. Ang Team One Malolos ay para sa bawat Malolenyo.

“Tunay na Dakila ang Bayan na may Malasakit sa mamamayan at may serbisyong hatid ay Langit dito sa Lupa,” dagdag pa ni Mayor Natividad na maglilingkod para sa kanyang pangalawang termino. Ang kasaluluyang alkalde ng lungsod ay walang makakalaban sa May 12 elections.

Sa loob lamang ng dalawang taon na panunungkulan ng tambalang Mayor Natividad at Vice Mayor Bautista, umani ng maraming parangal ang lungsod. Maliban sa mailap at prestihiyosong Seal of Good Local Governance (SGLG), kinilala rin ng Department of Finance ang Malolos bilang First Class City. Idagdag pa diyan ang Pilot Smart City of the Philippines, Seal of Child-Friendly Local Governance, national Literacy Champions at marami pang iba.

Lubhang napakabilis ng mga pagbabago sa lungsod sa loob lamang ng dalawang taon, pero mapapansin na siksik agad sa serbisyo.

Nagsulputan ang mga bagong gawang rural health unit o RHU sa mga barangay, pagpapatayo ng dialysis center, lactation center, mobile clinic at ang on-going procurement process para sa housing project na handog ng Tambalang Natividad at Bautista ng mga Malolenyo.

Tunay na hindi matatawaran ang husay at galing sa paglilingkod at pagmamahal nina Mayor Natividad at Vice Mayor Migs Tengco Bautista sa mga Malolenyo dahil isang bago at libreng sementaryo ang ipapatayo.

Hindi rin nag-atubili ang alkalde na ibigay ang solidong suporta sa Malolos PNP sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga patrol cars, motorcycles na magagamit ng kapulisan sa pagpapanatili ng Peace and Order sa lungsod.

Ani Mayor Natividad, Masigla, masaya ang Malolos dahil sa magkatugmang hangarin at iisang layunin nila ni Vice Mayor Migs — ang mapaglingkuran ng tunay at tapat ang bawat Malolenyo.

Iginiit din ng alkalde, Sakto na ang Timpla kaya iboto po natin ng deretso ang buong Team One Malolos sa Lunes (Mayo 12, 2025) na magiging katuwang nila ni Vice Migs, (numero 1 sa balota) sa paglilingkod. Mga maglilingkod sa Konseho ng Malolos.

(1) Muchas Absalon
(2) Miel Agustin
(3) Troi Aldaba
(4) Poncho Arcega
(6) Coach Geli Bulaong
(8) Jun Cruz
(12) Jawo Hernandez
(15) Len Pineda
(16) Atty. Dennis San Diego
(18) JV Vitug

Manny D. Balbin
Manny D. Balbinhttp://unlinews.org
Emmanuel "Manny" Dineros Balbin, founder and editor-in-chief of UNLINEWS ONLINE and UNLINEWS Digital Newspaper, is a former seminarian of Oblates of Mary Immaculate (OMI) in Notre Dame University Seminary in Cotabato City. Graduated college with Philosophy and Political Science courses at the University of Santo Tomas, Legazpi City. A former Journal Group of Publication (People's Journal, People's Tonight, Taliba & Women's Journal) staffer for 17 years. Before, he simultaneously contributed news articles to 3 local newspapers in Bulacan (NewsCore, MetroNews & NewsWatcher). He is the founder and the former editor-in-chief of RONDA Balita, both in weekly newspaper and online news. A former Kabayan provincial reporter, 2010 Bulacan election correspondent by Rappler and presently, a stringer of Philippine News Agency (PNA) Bulacan.
RELATED ARTICLES

WE ENDORSE

FOLLOW US ON FACEBOOK

Latest News