Monday, August 4, 2025
Amana Water Park
HomeProvincial NewsBulacan UnliNews14 ‘tulak’ sa Bulacan, arestado sa P176K halaga ng shabu

14 ‘tulak’ sa Bulacan, arestado sa P176K halaga ng shabu

CAMP ALEJO SANTOS — Labing-apat na hinihinalang mga sangkot sa iligal na droga ang naaresto sa magkakahiwalay na operasyon na isinagawa ng pulisya sa lalawigan ng Bulacan mula Biyernes (Mayo 16) hanggang Sabado (Mayo 17).

Base sa ulat na nakarating kay Col. Franklin Estoro, Bulacan provincial director, may kabuuang 38 plastic sachet ng hinihinalang shabu na may tinatayang halaga na P176,528 ang nakumpiska sa mga operasyon.

Ayon pa kay Estoro, isang buy-bust operation ang isinagawa ng Station Drug Enforcement Unit ng Norzagaray Municipal Police Station dakong ala-1 ng madaling araw ng Mayo 17 sa Barangay Bitungol, Norzagaray. Naaresto ang isang suspek na nakuhaan ng limang plastic sachet ng hinihinalang shabu na may halagang P83,640 at buy-bust money.

Apat naman na indibidwal ang naaresto ng mga operatiba ng Meycauayan City Police Station sa isang police response operation sa Sili Street, Barangay Lawa, Meycauayan City, dakong alas-10:50 ng gabi ng Mayo 16. Nasamsam sa operasyon ang dalawang sachet ng hinihinalang shabu, isang sachet at aluminum foil strip na may residue ng shabu, dalawang improvised aluminum foil pipe, at dalawang disposable lighters.

Naglatag rin ng magkakahiwalay na buy-bust operations ang mga Station Drug Enforcement Units ng Hagonoy, San Miguel, Malolos, Pandi, at San Rafael Police Stations na nagresulta sa pagkakaaresto ng siyam na indibidwal na sangkot sa pagtutulak ng droga.

Nakumpiska sa mga nasabing operasyon ang kabuuang 31 sachet ng hinihinalang shabu na may tinatayang halaga na P92,888 at buy-bust money.

Ang mga naarestong suspek at ang mga nakumpiskang ebidensiya ay dinala sa Bulacan Provincial Forensic Unit para sa kaukulang pagsusuri. (UnliNews Online)

Manny D. Balbin
Manny D. Balbinhttp://unlinews.org
Emmanuel "Manny" Dineros Balbin, founder and editor-in-chief of UNLINEWS ONLINE and UNLINEWS Digital Newspaper, is a former seminarian of Oblates of Mary Immaculate (OMI) in Notre Dame University Seminary in Cotabato City. Graduated college with Philosophy and Political Science courses at the University of Santo Tomas, Legazpi City. A former Journal Group of Publication (People's Journal, People's Tonight, Taliba & Women's Journal) staffer for 17 years. Before, he simultaneously contributed news articles to 3 local newspapers in Bulacan (NewsCore, MetroNews & NewsWatcher). He is the founder and the former editor-in-chief of RONDA Balita, both in weekly newspaper and online news. A former Kabayan provincial reporter, 2010 Bulacan election correspondent by Rappler and presently, a stringer of Philippine News Agency (PNA) Bulacan.
RELATED ARTICLES

WE ENDORSE

FOLLOW US ON FACEBOOK

Latest News