Sunday, June 1, 2025
Amana Water Park
HomeProvincial NewsBulacan UnliNewsMag-asawa at 2 anak, ‘nilamon’ ng apoy sa Malolos

Mag-asawa at 2 anak, ‘nilamon’ ng apoy sa Malolos

LUNGSOD NG MALOLOS, Bulacan — Apat na miyembro ng isang pamilya ang namatay habang isa pa ang sugatan nang nang masunog ang kanilang tinitirahang bahay noong Miyerkules ng madaling araw sa Brgy. Bulihan ng nasabing lungsod.

Base sa ulat ng pulisya, kinilala ang mag-asawang nasawi na sina Philip, 49; Maricel, 48; at dalawa nilang anak na sina Felice,18; at Julienne,10 na may apel­yidong Calauag habang nasugatan ang anak nilang si ‘Seth’,15, kapwa mga residente ng Alido Heights, Brgy. Bulihan, Lungosd ng Malolos.

Ayon kay ret Col. Manuel Lukban Jr., Bulacan disaster officer, naganap ang insidente bandang alas-3:41 ng madaling araw nitong Mayo 21 sa nabanggit na barangay.

Mahimbing umanong natutulog ang mag-anak nang biglang sumiklab ang apoy at hindi nakalabas sa kanilang bahay.

Ayon sa report, bandang alas-4:18 ng madaling araw nang maapula ng mga rumes­pondeng tauhan ng Malolos Fire station ang sunog at tumambad ang bangkay ng apat na biktima.Habang ang isa nilang anak na 15-anyos ang nasugatan.

Patuloy na inaalam ng mga otoridad ang dahilan ng sunog. (UnliNews Online)

Manny D. Balbin
Manny D. Balbinhttp://unlinews.org
Emmanuel "Manny" Dineros Balbin, founder and editor-in-chief of UNLINEWS ONLINE and UNLINEWS Digital Newspaper, is a former seminarian of Oblates of Mary Immaculate (OMI) in Notre Dame University Seminary in Cotabato City. Graduated college with Philosophy and Political Science courses at the University of Santo Tomas, Legazpi City. A former Journal Group of Publication (People's Journal, People's Tonight, Taliba & Women's Journal) staffer for 17 years. Before, he simultaneously contributed news articles to 3 local newspapers in Bulacan (NewsCore, MetroNews & NewsWatcher). He is the founder and the former editor-in-chief of RONDA Balita, both in weekly newspaper and online news. A former Kabayan provincial reporter, 2010 Bulacan election correspondent by Rappler and presently, a stringer of Philippine News Agency (PNA) Bulacan.
RELATED ARTICLES

WE ENDORSE

FOLLOW US ON FACEBOOK

Latest News