CAMP ALEJO SANTOS, Bulacan — Nasakote ang 44 anyos na si alyas Anok, residente ng ng Brgy. Panginay, Guiguinto sa isinagawang anti-illegal drug operation ng Station Drug Enforcement Unit ng Guiguinto MPS noong Thursday dakong 1:45 ng madaling araw sa nabanggit na barangay.
Sa ulat na isinumite kay Col. Franklin P. Estoro, Officer-in-Charge ng Bulacan PPO ni Lt. Col. Christian B. Alucod, Guiguinto chief of police, ang naarestong suspek ay kabilang sa unified drug watchlist ng PDEA.
Nakumpiska mula sa suspek ang humigit-kumulang 96.42 gramo ng hinihinalang shabu na may tinatayang halagang P655,600.00. Narekober din sa operasyon ang isang Caliber .380 pistol na may serial number 9326401 na kargado ng tatlong (3) bala.
Ang suspek at mga nakumpiskang ebidensya ay dinala sa Guiguinto MPS para sa tamang dokumentasyon at disposisyon. Inihahanda na ang kaukulang kaso laban sa kanya para sa paglabag sa R.A. 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) at R.A. 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act) na may kaugnayan sa Omnibus Election Code.
Ang Bulacan Police Provincial Office, sa pamumuno ni Col. Estoro, ay patuloy na nagpapakita ng matibay na paninindigan sa paglaban sa kriminalidad sa pamamagitan ng pinaigting na mga operasyon. Sa ganitong paraan, matagumpay na naipatutupad ang batas at napapanatili ang kapayapaan at kaayusan para sa kapakanan ng buong komunidad. (UnliNews Online)