LUNGSOD NG MALOLOS, Bulacan — Tinatayang aabot sa 4,700 kabataang Maloleño ang tumanggap ng tulong pinansyal para sa kanilang edukasyon o educational assistance sa ilalim ng programang Malolos ISSKOLAR ng Pamahalaang Lungsod noong Huwebes (Mayo 22).
Ang naturang programa ay mula sa pamumuno at inisyatibo ni Mayor Christian D. Natividad na simula pa nang ito ay maupong alkalde ng lungsod, isa sa kanyang naging prayoridad ang tulungan ang mga kabataang Maloleño na makatapos ng kanilang pag-aaral upang maitaas ang antas ng kanilang pamumuhay.
Ayon naman kay Ariel Santiago, City Development Management Officer IV, ito ay pagpapatuloy lamang ng nasabing programa na isang patunay aniya ng pagbibigay halaga ng Pamahalaang Lungsod ng Malolos sa pagtulong sa pagbibigay ng maayos na edukasyon sa mga kabataan.
Dagdag pa ni Santiago, “matatandaan na 1526 na Senior High students ang tumanggap ng P4,000 para sa taong 2024-25 noong Pebrero ng kasalukuyang taon.”
“Ang Malolos ISSKOLAR ay isa sa mga hakbang ng lokal na pamahalaan upang higit na palakasin ang sektor ng edukaasyon at masiguro ang magandang kinabukasan ng mga kabataan sa lungsod,” dagdag pa nito.
Samantala, nagpaabot ng mensahe ng paghikayat si Mayor Natividad sa mga iskolar na patuloy na magsumikap. Binibigyang-diin nito na ang Malolos ISSKOLAR ay hindi lamang isang tulong-pinansyal kundi isang inspirasyon upang pagbutihin ang kanilang pag-aaral at balang-araw ay maging kapaki-pakinabang na mamamayan ng lungsod.
Hinimok din ng alkalde ang mga iskolar na gamitin ang oportunidad na ito bilang hakbang tungo sa mas magandang kinabukasan, hindi lamang para sa kanilang sarili kundi para rin sa kanilang pamilya at sa komunidad.
Para naman sa schedule ng registration sa mga new applicants sa programang ito. Maari po lamang na regular na bumisita sa FB Page ng Malolos CIO para sa updates at announcements.
Para sa schedule ng pamamahagi ng grants. Bisitahin lamang ang link na ito:
https://www.facebook.com/share/p/16CXW3yAB2/?mibextid=wwXIfr (UnliNews Online)