Sunday, June 1, 2025
Amana Water Park
HomeOpinionKatropa sa UnliNewsMuling pagbaha sa panahon ng tag-ulan problema sa Bulacan

Muling pagbaha sa panahon ng tag-ulan problema sa Bulacan

TANONG ng isang magtataho, ano ang nakaambang panganib sa buhay at ari-arian ng mga mamamayan sa Lalawigan ng Bulacan, na dapat pagtuunan ng pansin, lalo at papalapit na ang tag-ulan? At siya rin ang sumagot sa kanyang tanong, at ito ay ang pagbaha aniya.

Iyan ang isa sa pangunahing problema, ang pagbaha, na paulit-ulit na isyu dahil sa heograpikal na lokasyon nito at mabilis na urbanisasyon. Ang lalawigan ay nakahilig sa pagbaha, partikular sa panahon ng tag-ulan, na maaaring magdulot ng pinsala sa mga ari-arian, makagambala sa mga aktibidad sa ekonomiya, magdulot ng panganib sa kalusugan at mismo sa buhay ng kalahatan.

Naalala ko ang sinabi ni Bulacan Gov. Daniel Fernando sa interview naming mamamahayag, kamakailan, na magiging problema ang pagbaha, kung hindi maaagapan na ayusin ang nasirang rubber gate no. 3, na kanyang tinutukoy noon, Ito anya ay mararamdaman sa panahon ng tag-ulan o kapag may unos na dumating.

Kailangan maayos ng National Irrigation Administration (NIA) ang suliraning iyan. Kapag nagkataon malaki ang pinsalang maidudulot ng pagbaha at pagsira sa mga palayan at iba pang pananim.

Ang patuloy na krisis sa pagbaha ay hindi lamang nagbabanta sa agarang kabuhayan kundi nagdudulot din ng pangmatagalang panganib sa seguridad sa pagkain at katatagan ng komunidad sa Bulacan.

Batay sa ating nakalap na impormasyon, ang problema sa pagbaha ay tinutugunan naman ni Gobernador Daniel Fernando, sa pamamagitan ng multi-pronged approach.

Kabilang dito ang pagtataguyod para sa pinabuting pamamahala ng dam upang mas mahusay na makontrol ang mga paglabas ng tubig, ang pagtatayo ng isang malakihang megadike para sa proteksyon sa baybayin, at pamumuhunan sa mga upgrade sa imprastraktura tulad ng pinahusay na mga drainage system at pumping station.

Nakatuon din siya sa mas mahigpit na pagpaplano ng paggamit ng lupa upang maiwasan ang karagdagang pag-unlad sa mga lugar na madaling bahain at aktibong naghahanap ng suporta ng pambansang pamahalaan para sa mga malalaking proyektong ito.

Tsk! Tsk! Tsk! Ito ay paalala lamang. sapagkat simula pa noon na manungkulan ang mga nauna kay Gov. Fernando, ang Pagbaha, ay problema na sa nasabing lalawigan, subalit hanggang ngayon ay patuloy pa rin nagtitiis ang mga residenteng inilulubog ng maduming tubig baha, sapagkat hindi sila makaisip ng tamang solusyon sa suliraning ito.

Batid natin na may mga plano ng iniisip at ginagawa ang Administrasyon ni Gov. Fernando, na maapula ang masamang hatid ng pagbaha. Sana ay patuloy na ma-monitor iyan at ang implementasyon ng mga planong mapabilis na maialis o maihinto na nga ang pagbaha, lalo sa panahon ng walang tigil na pag-ulan at malalakas na bagyo. Antabayanan natin ang mga susunod pang kaganapan ngayong pagpasok ng tagulan.

Natuwa ang magtataho sa paliwanag ko, kaya muli binigyan niya ako ng libreng isang pitsel na taho na may arnibal na! Tanong ko sa kanya kung ano ang pangalan niya, sagot niya Takosa, parang tunog Takot sa Asawa. Naalala ko tuloy sina Pareng Iyo at Julius, hehehe. Hanggang sa muli. (UnliNews Online)

Vic Billiones
Vic Billioneshttp://unlinews.org
VIC Billones lll was born and raised in Manila, Philippines. He started writing short stories and illustrating in Comics competitively while studying B. S. Journalism at the Lyceum of the Philippines, Intramuros, Manila, in 1977 and graduated in 1981. After graduating from college, he started to write and work in several national newspapers such as The Philippine Tribune, Liberty, KABAYAN, and broadsheet Sun Star Manila as a correspondent in the Province of Bulacan. In 2003 he toured in Los Angeles California, USA, for a month. Before he left the USA, he met Mr. Calvert Dacanay, then the Publisher of TALIBA. Inc. Billones became a columnist and was designated as Bureau Chief of TALIBA, Inc USA, based in the Philippines and he left the USA in 2011. In July 2016, Billones asked to work as a Consultant for Media Affairs, for the City Administrator’s Office at the City of San Jose Del Monte (CSJDM,) Bulacan. ended July, 2022, besides his job in CSJDM, he pursues his passion for writing a weekly columns for RONDA BALITA and RONDA Online News; Board of Editor/Columnist for SAKTO Balita; Columnist for Waterfront News, LATIGO Newspaper, Mabuhay Newspaper, CENTRO News, News Watcher and Luzon Times.
RELATED ARTICLES

WE ENDORSE

FOLLOW US ON FACEBOOK

Latest News