Sunday, June 1, 2025
Amana Water Park
HomeProvincial NewsBulacan UnliNewsLalaki arestado matapos mahulihan ng shabu sa Brgy. Bungahan, Malolos

Lalaki arestado matapos mahulihan ng shabu sa Brgy. Bungahan, Malolos

CAMP ALEJO SANTOS, Bulacan — Tiklo sa ikinasang buy-bust operation ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Malolos Police Station ang isang lalaki na tulak umano ng iligal na droga sa Barangay Bungahan, Lungsod ng Malolos.

Base sa report na isinumite kay Col. Franklin P. Estoro, Officer-In-Charge ng Bulacan PPO ni Lt. Col. Rommel E. Geneblazo, hepe ng Malolos PNP, dakong alas-3 ng hapon noong Biyernes (May 23) nang masakote ng awtoridad ang suspek sa nabanggit na barangay.

Nakuhanan ang suspek ng anim na plastic sachet ng hinihinalang shabu na may tinatayang kabuuang halaga na P31,960.00, at buy-bust money.

Samantala, idinagdag din ni Col. Estoro na nagsagawa rin ng magkahiwalay na buy-bust operation ang mga Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Marilao, San Miguel, at Norzagaray Police Station, kung saan anim na suspek sa iligal na droga ang naaresto. Nakumpiska sa mga operasyon ang 16 na sachet ng hinihinalang shabu na may kabuuang standard drug price na P61,472.00, at buy-bust money.

Ang mga naarestong suspek at mga nakumpiskang ebidensya ay dinala sa Bulacan Provincial Forensic Unit (PFU) para sa nararapat na pagsusuri. Kasalukuyang inihahanda na ang mga kasong kriminal para sa paglabag sa R.A. 9165 na isasampa laban sa mga suspek.

Binigyang-diin ni Col. Estoro, ang mga direktiba ni Brig. Gen. Jean S. Fajardo, Regional Director ng PRO3, ukol sa kahalagahan ng mga operasyong ito sa paglaban sa ilegal na droga.

Aniya, “Ang Bulacan Police ay nananatiling matatag sa aming tungkulin na ipatupad ang batas, partikular laban sa mga sangkot sa ilegal na droga at mga taong banta sa kapayapaan ng ating mga pamayanan. Layunin naming makamit ang isang mas ligtas at drug-free na Bulacan.” (UnliNews Online)

Manny D. Balbin
Manny D. Balbinhttp://unlinews.org
Emmanuel "Manny" Dineros Balbin, founder and editor-in-chief of UNLINEWS ONLINE and UNLINEWS Digital Newspaper, is a former seminarian of Oblates of Mary Immaculate (OMI) in Notre Dame University Seminary in Cotabato City. Graduated college with Philosophy and Political Science courses at the University of Santo Tomas, Legazpi City. A former Journal Group of Publication (People's Journal, People's Tonight, Taliba & Women's Journal) staffer for 17 years. Before, he simultaneously contributed news articles to 3 local newspapers in Bulacan (NewsCore, MetroNews & NewsWatcher). He is the founder and the former editor-in-chief of RONDA Balita, both in weekly newspaper and online news. A former Kabayan provincial reporter, 2010 Bulacan election correspondent by Rappler and presently, a stringer of Philippine News Agency (PNA) Bulacan.
RELATED ARTICLES

WE ENDORSE

FOLLOW US ON FACEBOOK

Latest News