LUNGSOD NG MALOLOS — Isa na namang kalunos-lunos na trahedya ang naganap matapos muling may masawi sa sunog bandang alas-12:30 ng tanghali ngayong Biyernes (May 30) ang magkapatid at ang isang taong gulang na pinsan sa Barangay Bambang, Bayan ng Bulakan, Bulacan.
Base sa naging inisyal na ulat ng pulisya, kinilala ang magkapatid na sina Irish Clouie, 16 taong gulang at Jerylien Gail, 15 at ang kanilang isang taong gulang na pinsang si Jaden Ivan, pawang mga residente ng Purok 2, Barangay Bambang.
Lumalabas sa imbestigasyon ng pulisya na nagsimula ang sunog sa tirahan ni Angelica dela Cruz Silva, ang ina ng isang taong gulang na bata.
Nasa trabaho umano si Angelica nang lamunin ng apoy ang kanyang bahay at na-trap ang tatlong biktima sa loob nito,
Idineklarang fire out ang sunog bandang 1:30 ng hapon ayon sa isang imbestigador ng Bureau of Fire Protection.
Patuloy isinasagawang ang imbestigasyon upang matukoy ang eksaktong dahilan kung ano ang pinagmulan ng sunog gayundin upang masuri ang kabuuang lawak ng pinsala. (Unlinews Online)