CAMP ALEJO SANTOS, Bulacan — Arestado ang isang hinihinalang tulak ng ilegal na droga sa matagumpay na buy-bust operation na isinagawa ng Malolos PNP Station Drug Enforcement Unit (SDEU) noong Huwebes ng tanghali (May 29) sa Barangay Mojon, Lungsod ng Malolos.
Sa ulat ni P/Col. Rommel E. Geneblazo, Malolos City chief of police kay P/Col. Franklin P. Estoro, Officer-in-Charge ng Bulacan PPO, kinilala ang suspek sa alyas na “Jeff”, nasa wastong gulang, at residente ng nabanggit na barangay.
Narekober mula sa suspek ang tatlong pirasong plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na tumitimbang na humigit-kumulang 1.76 grams at nagkakahalaga ng P10,560.00.
“Ang matagumpay na operasyon ay bahagi ng patuloy na kampanya laban sa iligal na droga. Patuloy tayong magtulungan upang masugpo ang salot na ito sa ating lipunan,” ani Lt. Col. Geneblazo.
Ang suspek ay kasalukuyang nasa kustodiya na ng Malolos PNP at nahaharap sa kasong kasong paglabag sa Section 5 at Section 11, Article II ng RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002).
“Ang kapulisan ng Malolos ay patuloy na nananawagan sa publiko na makipagtulungan sa pamamagitan ng pagbibigay ng impormasyon upang masugpo ang ilegal na droga sa ating komunidad,” dagdag pa ni Lt. Col. Geneblazo. (UnliNews Online)