LUNGSOD NG MALOLOS — Naaresto ng pinagsanib na puwersa ng Malolos CPS Tracker Team, Angeles police at RIU-3 PIT Bulacan West ang isang lalaki na may kasong pagpatay noong Martes (June 10) sa Barangay San Vicente.
Ayon sa ulat kay Lt. Col. Rommel E. Geneblazo, Malolos City chief of police, humigit kumulang dalawang taong pagtatago ng suspek ay natuldukan din ang paghahanap sa hustisya ng maaresto ang suspek sa Bisa ng Warrant of Arrest na inilabas ng Regional Trial Court, Branch 11, Third Judicial Region, Angeles City noong December 27, 2022, na walang kaukulang piyansa.
“Sa ngalan ng Malolos PNP, isang mahigpit na paalala ang ipinaaabot sa mga indibidwal na umiiwas sa pananagutan sa ilalim ng batas, ang hustisya ay hindi natitinag, at ang kapulisan ay patuloy na magpapairal ng kaayusan at seguridad para sa kapakanan ng mamamayan,” ani Lt. Col. Geneblazo. (UnliNews Online)