PANDI, Bulacan — Sa “Balik Eskwela Program 2025” nitong Lunes (June 16), namigay ang Pamahalaang Bayan ng Pandi sa pangunguna ni Mayor Enrico Roque ng bag at mga school supplies sa mga batang mag-aaral ng Bunsuran Elementary School.
Ayon kay Mayor Roque, “Walang mas hihigit sa batang handa, may baon na gamit, may baon pang pangarap. Sa bawat bag at mga gamit na inabot natin ngayong araw, bitbit din ang pag-asang mas magiging makulay at magaan ang paglalakbay nila sa bagong school year. Mula sa puso naming nagmamahal, para sa mga batang Pandieño na laging bida sa aming mga plano.”

Naging katuwang ng alkalde sa pamamahagi ng bag at school supplies ang mga miyembro ng Sangguniang Bayan ng Pandi
Laking pasalamat naman ni Mayor Roque kay Dr. Ana Sonia R. Nolasco,
Principal ng Bunsuran Elementary School sa pagbibigay sa kanila ng oras upang maipatupad ang programa ng maayos.

“Tuloy ang suporta, tuloy ang Serbisyong may Puso at Talino,” pagtatapos ng alkalde. (UnliNews Online)