Monday, August 4, 2025
Amana Water Park
HomeProvincial NewsBulacan UnliNews3 lalaki arestado sa illegal detention, pananakit at pananakot sa SJDM

3 lalaki arestado sa illegal detention, pananakit at pananakot sa SJDM

CAMP ALEJO SANTOS, Bulacan — Arestado ang tatlong kalalakihan matapos ireklamo ng pananakit, pananakot gamit ang baril, at pagdampot sa dalawang security guard sa Rodriguez Farm, Abella Road, Brgy. Kaypian, San Jose Del Monte City noong Lunes (June 16).

Sa ulat na isinumite kay P/Col. Frankin P. Estoro, Officer-in-Charge ng Bulacan Police Provincial Office, kinilala ang mga suspek na sina alias ‘Lui’, ‘Lio’ at ‘Edil’— pawang mga residente ng Brgy. Gaya-Gaya, San Jose Del Monte City, Bulacan.

Batay sa paunang imbestigasyon ng SJDM police, habang ginagampanan ng dalawang biktima ang kanilang tungkulin bilang mga security guard ng Rodriguez Farm, ay dumating ang mga suspek na armado at agad silang tinutukan ng baril. Ikinulong at posas umano ang dalawang biktima at inakusahan ng panloloob.

Habang nakakulong, kinuha pa umano ng mga suspek ang kanilang mga cellphone at handheld radio, at sinira ang kanilang guardhouse at ilang gamit.

Agad naman nakatawag ang isang biktima upang makahingi ng tulong dahilan ng kaagad na nakatugon ang SJDM police sa reklamo, at maaresto ang mga suspek.

Nakumpiska mula sa mga suspek ang isang IWI Jericho 941 PL 9mm na baril na may defaced serial number, may kasamang magazine na may 14 na live ammunition, isang Long M4 rifle replica, isang (1) cal. 45 pistol replica (parehong airsoft gun).

Ang mga suspek ay kasalukuyang nasa kustodiya ng SJDM CPS. Sila ay mahaharap sa mga kasong Robbery, Illegal Detention, Illegal Possession of Firearm (RA 10591), Qualified Trespass to Dwelling, at Malicious Mischief.

Muling ipinaalala ni Col. Estoro sa publiko ang kahalagahan ng maagap na pakikipag-ugnayan sa kapulisan sa anumang kahina-hinalang aktibidad.

Aniya, “Hindi tayo mag-aatubiling tugisin at arestuhin ang sinumang lalabag sa batas, laluna yaong gumagamit ng dahas at armas upang takutin ang ating mga mamamayan.” (UnliNews Online)

Manny D. Balbin
Manny D. Balbinhttp://unlinews.org
Emmanuel "Manny" Dineros Balbin, founder and editor-in-chief of UNLINEWS ONLINE and UNLINEWS Digital Newspaper, is a former seminarian of Oblates of Mary Immaculate (OMI) in Notre Dame University Seminary in Cotabato City. Graduated college with Philosophy and Political Science courses at the University of Santo Tomas, Legazpi City. A former Journal Group of Publication (People's Journal, People's Tonight, Taliba & Women's Journal) staffer for 17 years. Before, he simultaneously contributed news articles to 3 local newspapers in Bulacan (NewsCore, MetroNews & NewsWatcher). He is the founder and the former editor-in-chief of RONDA Balita, both in weekly newspaper and online news. A former Kabayan provincial reporter, 2010 Bulacan election correspondent by Rappler and presently, a stringer of Philippine News Agency (PNA) Bulacan.
RELATED ARTICLES

WE ENDORSE

FOLLOW US ON FACEBOOK

Latest News