CAMP ALEJO SANTOS, Bulacan — Siyam na wanted persons, kabilang ang isang most wanted person, ang naaresto ng Bulacan Police Provincial Office sa magkakahiwalay na operasyon kontra mga wanted na personalidad noong Lunes (June 16).
Ayon sa ulat na isinumite kay P/Col. Franklin P. Estoro, Officer-in-Charge ng Bulacan PPO, naaresto sa bisa ng isang Warrant of Arrest ng Hagonoy Police Station ang isang Most Wanted Person – Municipal Level na kinilalang si alyas “Igna”, alas-4:30 ng hapon noong Lunes sa Brgy. Iba Ibayo, Hagonoy, Bulacan para sa mga kasong Statutory Rape na walang inirekomendang piyansa, Rape by Sexual Assault na may inirekomendang piyansa na P200,000.00, at Act of lasciviousness (4) counts na may inirekomendang piyansang P200,000.00 bawat bilang.
Sa katulad na operasyon, sunod-sunod na pinaigting na manhunt operations ang isinagawa ng mga tracker team mula sa San Jose Del Monte, Marilao, Sta. Maria, Plaridel, Marilao, Meycuayan, Malolos, at Pandi Municipal Station, naaresto ang 8 pang wanted na person sa bisa ng mga Warrant of Arrest. Kinilala ang mga naaresto sa mga pangalang alyas Mic para sa kasong Simple Imprudence, alyas Del sa kasong Ecological Solid Waste Management Act of 2000(RA 9003), alyas Chard at alyas Aye para sa kasong Qualified theft, alias Mar para sa kasong Qualfied Rape, alyas Bern para sa kasong RA 9262, alyas Gani para sa kasong Act of Lascviousness, at alyas Rene para sa kasong BP 22 o ang Bouncing Checks Law.
Kasalukuyang nasa kustodiya ng mga arresting units ang mga naarestong indibidwal para sa tamang disposisyon.
Pinatunayan ng mga isinagawang operasyon ng Bulacan PPO, sa pamumuno ni Col. Estoro, ang kanilang masigasig na pagtugis sa kriminalidad. Sa mga operasyong ito, naaresto ang ilang wanted at most wanted na indibidwal, bilang bahagi ng patuloy na kampanya ng kapulisan laban sa krimen. (UnliNews Online)