PLARIDEL, Bulacan — Nasabat ng mga tauhan ng the Philippine National Police-Drug Enforcement Group (PDEG) at Special Operation Unit ang 103 kilo ng shabu na may tinatayang may katumbas na halagang P700.4 milyon habang arestado naman ang 2 Chinese National sa isinagawang buy-bust operation sa isang subdibisyon sa Brgy. Bulihan dito sa nabanggit na bayan.
Naaresto ang mga suspek na kapwa Chinese national na kinilalang sina alyas Ry, 40 anyos, at Loan, 55.
Sa inisyal na report na tinanggap ni Acting PNP Provincial Director P/Col. Angel Garcillano, ganap na alas-7:30 ng gabi nitong Sabado (Hunyo 28) ng masukol ang dalawa sa loob ng kanilang bahay, makaraang magpanggap na poseur buyer ang isa sa mga operatiba.
Nakumpiska ng mga anti-illegal drug operatives ang humigit-kumulang 103 kilo ng shabu na may tinatayang may katumbas na halagang P700.4 at iba pang ebidensyang hindi naka-droga.
Sa paunang imbestigasyon ng mga pulis, posible umanong ang mga nakumpiska na iligal na droga ay konektado sa mga shabu na lumutang sa karagatang sakop ng Zambales, Ilocos Region kamakailan.
Ang mga nakumpiskang ebidensya ng droga ay dinala sa forensic group para sa laboratory examination. (UnliNews Online)

