Monday, August 4, 2025
Amana Water Park
HomeProvincial NewsBulacan UnliNews‘Maramdaman ng mamamayan na mayroon silang Pamahalaang masasandalan sa oras ng pangangailangan’...

‘Maramdaman ng mamamayan na mayroon silang Pamahalaang masasandalan sa oras ng pangangailangan’ — Mayor Natividad

LUNGSOD NG MALOLOS, Bulacan — Pinangunahan ni Mayor Christian D. Natividad ang “Panunumpa sa Katungkulan ng mga Bagong Halal na Opisyal” sa harap ni Associate Justice Ronald B. Moreno ginanap nitong Lunes (June 30) sa Malolos Sports and Convention Center.

Sa naging mensahe ni Mayor Natividad sa kanyang ikalimang termino bilang alkalde na lungsod, sinabi nito na ang totoong sukatan ng ating tagumpay bilang mga namumuno ay naramdaman ng ating mamamayan na mayroon silang Pamahalaang masasandalan sa oras ng pangangailangan.

Binigyang-diin ng alkalde ang pagpapatuloy ng kanilang adbokasiya sa isang “demand-driven and results-oriented governance” na nakatuon sa pagtugon sa tunay na pangangailangan ng mamamayan at paghahatid ng konkretong resulta sa publiko.

“Kung nasaan man po ako, magde-deliver tayo ng People’s Day para sa tao,” ani Mayor Natividad.

Ipinahayag din niya na nanguna ang Lungsod ng Malolos sa may pinakamataas na yield per hectare sa buong lalawigan ng Bulacan, patunay ng patuloy na pag-unlad sa sektor ng agrikultura.

Dagdag pa niya, kailangang mapanatiling “livable” ang Lungsod ng Malolos, hindi gaya ng ibang lungsod na puno ng gusali ngunit kapos na sa bukas na espasyong tulad ng mga sapa at palayan.

Aniya, mahalaga ang isang balanseng kaunlaran na nagbibigay-halaga sa kalikasan, komunidad, at kalidad ng buhay ng mamamayan.

Alinsunod dito, gumawa ng inisyatiba ang Pamahalaang Lungsod ng Malolos upang pagtuunan ng pansin ang agrikultura.

“Ang magsasaka rito, libre pataba, libre binhi, libre lahat… Tinamaan ng bagyo, dumapa lahat ng palay nila, walang problema, dahil 100% ang sakahan ng City of Malolos ay may insurance, babayaran pa ang magsasaka natin kapag tinamaan ng bagyo ang ating mga sakahan,” ani alkalde.

Bukod dito, nagbalik-tanaw din siya sa naging karanasan nila ni Pangalawang Punong Lungsod Inh. Gilbert “Bebong” T. Gatchalian noong sabay silang naghangad na makapaglingkod at makapagbigay ng makabuluhang pagbabago para sa Lungsod ng Malolos.

Ayon sa Punong Lungsod, noon pa man ay katuwang na niya si Gatchalian sa pagsusulong ng mga programa para sa ikauunlad ng lungsod—mula pa noong panahong ang kanilang sigaw ay “Bagong Malolos.”

“Subukan man kami paghiwalayin, ‘di niyo ba napapansin, pinagsasama at pinagsasama kaming pilit ni Vice Mayor Bebong Gatchalian,” pahayag ni Natividad.

Nanumpa rin kay Associate Justice Moreno ang mga bagong halal na opisyal na sina Vice Mayor Gatchalian, mga miyembro ng Sangguniang Panlungsod na sina Konsehales John Vincent “JV” G. Vitug III, Abgdo. Dennis “Konde” D. San Diego, Meri Ann Geli “Coach” Bulaong, Edgardo “Ega” F. Domingo, Victorino “Troi” M. Aldaba III, Luis Alfonso “Poncho” M. Arcega, Miel Arthem Agustin, Miguel Carlos “Mikki” B. Soto, Noel “Len” G. Pineda at Abgdo. Christian Peter “Toots” C. Bautista,

Asahan naman sa isasagawang Inaugural Session, ilalahad ni Mayor Natividad sa Sangguniang Panlungsod ang kaniyang mga pangarap para sa Lungsod ng Malolos. (UnliNews Online)

Source: Malolos City Information Office

Manny D. Balbin
Manny D. Balbinhttp://unlinews.org
Emmanuel "Manny" Dineros Balbin, founder and editor-in-chief of UNLINEWS ONLINE and UNLINEWS Digital Newspaper, is a former seminarian of Oblates of Mary Immaculate (OMI) in Notre Dame University Seminary in Cotabato City. Graduated college with Philosophy and Political Science courses at the University of Santo Tomas, Legazpi City. A former Journal Group of Publication (People's Journal, People's Tonight, Taliba & Women's Journal) staffer for 17 years. Before, he simultaneously contributed news articles to 3 local newspapers in Bulacan (NewsCore, MetroNews & NewsWatcher). He is the founder and the former editor-in-chief of RONDA Balita, both in weekly newspaper and online news. A former Kabayan provincial reporter, 2010 Bulacan election correspondent by Rappler and presently, a stringer of Philippine News Agency (PNA) Bulacan.
RELATED ARTICLES

WE ENDORSE

FOLLOW US ON FACEBOOK

Latest News