Monday, August 4, 2025
Amana Water Park
HomeProvincial NewsBulacan UnliNewsMahigit P1.9M shabu at baril nasamsam; 14 arestado sa buy-bust ops sa...

Mahigit P1.9M shabu at baril nasamsam; 14 arestado sa buy-bust ops sa Bulacan

CAMP ALEJO SANTOS, Bulacan — Mahigit P1.9 milyong halaga ng shabu at isang caliber .45 pistol ang nasamsam habang 14 na indibidwal na sangkot sa pagbebenta ng iligal na droga ang naaresto sa magkakahiwalay na anti-illegal drugs operations na isinagawa sa mga bayan ng Santa Maria, San Jose Del Monte, Meycauayan, Baliwag, Angat noong Lunes (July 1) hanggang Martes (July 2).

Sa Santa Maria MPS sa pangunguna ni P/Lt. Col. Voltaire Rivera, naaresto ang isang high-value target na nasa PNP-PDEA Unified Watchlist, na nakuhanan ng 120 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng humigit-kumulang P816,000.00, isang caliber .45 pistol, magazine, at bala. Ang operasyon ay isinagawa ng pinagsanib na pwersa ng Santa Maria MPS, Bulacan PIU, PIT-East, RIU 3, at PDEA Bulacan.

Samantala, batay sa ulat ni P/Lt. Col. Edilmar Alviar, ng San Jose Del Monte CPS, tatlong suspek ang naaresto sa buy-bust operation na isinagawa ng San Jose Del Monte police, kung saan nasamsam ang 100 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P680,000.00.

Dagdag pa rito sa ulat ni P/Lt. Col. Melvin Florida, hepe ng Meycayuayan CPS, tatlong suspek rin ang naaresto matapos makumpiska ang 7 sachet ng hinihinalang shabu na may bigat na 100 gramo at halagang P265,200.00.

Samantala, sa operasyon ng PIU sa pangunguna ni P/Lt. Col. Dennis Reburiano kasama ang PDEU Bulacan at Baliwag CPS, apat na suspek ang nadakip sa Brgy. Pinagbarilan, Baliwag City na nakuhanan ng 15 gramo ng shabu na tinatayang P102,000.00 ang halaga.

Tatlong karagdagang suspek ang naaresto sa magkakahiwalay na operasyon ng Baliwag CPS, Santa Maria MPS, at Angat MPS kung saan nasamsam ang 16 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P108,800.00.

Ang kabuuang halaga ng nakumpiskang ilegal na droga ay tinatayang higit sa P1.97 milyon. Ang lahat ng mga ebidensya ay isinumite sa Bulacan Provincial Forensic Unit habang inihahanda na ang mga kasong paglabag sa RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) at RA 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act) na isasampa sa Tanggapan ng Provincial Prosecutor.

Ayon kay P/Col. Angel L. Garcillano, Acting Provincial Director ng Bulacan PPO, “Ang mga operasyong ito ay patunay ng walang humpay naming kampanya laban sa ilegal na droga at ng aming dedikasyon na panatilihin ang kaayusan at kaligtasan ng bawat Bulakenyo.” (UnliNews Online)

Manny D. Balbin
Manny D. Balbinhttp://unlinews.org
Emmanuel "Manny" Dineros Balbin, founder and editor-in-chief of UNLINEWS ONLINE and UNLINEWS Digital Newspaper, is a former seminarian of Oblates of Mary Immaculate (OMI) in Notre Dame University Seminary in Cotabato City. Graduated college with Philosophy and Political Science courses at the University of Santo Tomas, Legazpi City. A former Journal Group of Publication (People's Journal, People's Tonight, Taliba & Women's Journal) staffer for 17 years. Before, he simultaneously contributed news articles to 3 local newspapers in Bulacan (NewsCore, MetroNews & NewsWatcher). He is the founder and the former editor-in-chief of RONDA Balita, both in weekly newspaper and online news. A former Kabayan provincial reporter, 2010 Bulacan election correspondent by Rappler and presently, a stringer of Philippine News Agency (PNA) Bulacan.
RELATED ARTICLES

WE ENDORSE

FOLLOW US ON FACEBOOK

Latest News