CAMP ALEJO SANTOS, Bulacan — Pitong wanted na indibidwal, kabilang ang Top 2 Most Wanted Person (Regional Level) ng Region 3, Top 4 (Provincial Level) ng Bulacan, at Top 2 (Municipal Level) ng Bocaue, ang naaresto sa pinaigting na manhunt operations ng Bulacan Police noong Huwebes (July 3).
Naaresto ng Meycauayan CPS sa pangunguna si alyas Justine (Top 2 Regional MWP) dahil sa 14 counts of Qualified Rape; sa bayan ng San Miguel ay nadakip si alyas Gilbert (Top 4 Provincial MWP) na may kasong 2 counts of Rape; nahuli din ng Bocaue police sa Teresa, Rizal si alyas Hazel (Top 2 Municipal MWP) para sa kasong paglabag sa R.A. 9165.
Samantala, apat pang wanted sa kasong kriminal ang naaresto sa magkakahiwalay na operasyon ng mga istasyon ng pulisya sa Santa Maria, SJDM, Marilao, at Hagonoy.
Ang matagumpay na serye ng operasyon ay naisakatuparan sa ilalim ng pamumuno ni Col. Angel Garcillano, Acting Provincial Director ng Bulacan PPO, at sa direktiba ni Brig. Gen. Ponce Rogelio Peñones Jr., Acting Regional Director ng PRO3, bilang bahagi ng tuloy-tuloy na kampanya laban sa kriminalidad sa lalawigan. (UnliNews Online)