Monday, August 4, 2025
Amana Water Park
HomeProvincial NewsBulacan UnliNewsDating miyembro ng CTG sa Bulacan, nagbalik-loob sa pamahalaan

Dating miyembro ng CTG sa Bulacan, nagbalik-loob sa pamahalaan

CAMP ALEJO SANTOS, Bulacan — Isang dating miyembro ng Communist Terrorist Group (CTG) ang boluntaryong sumuko sa mga awtoridad sa Brgy. Sampaloc, San Rafael, bitbit ang isang hindi lisensiyadong baril noong Martes ng hapon (July 8).

Ayon sa report ni Lt. Col. Ronnie O. Albino, Force Commander ng 2nd Provincial Mobile Force Company, kinilala ang sumukong indibidwal na si alyas “Ka Rey,” 47 taong gulang, construction worker, at residente ng Doña Remedios Trinidad, Bulacan. Si Ka Rey ay dating miyembro ng KLG Sierra Madre – Squad Uno, na kasama sa Periodical Status Report (PSR) list noong 2001.

Ayon sa salaysay ni Ka Rey, siya ay na-recruit noong 1997 sa ilalim ng pamumuno ni alyas “Jimmy” at napilitang sumapi sa kilusan dahil sa matinding kahirapan. Inamin rin niya ang partisipasyon sa mga armadong engkuwentro sa mga lugar ng Sapang Munti at Bulakan, Bulacan, at pagiging kolektor ng tinatawag na “revolutionary tax.” Tuluyan siyang huminto sa kilusan noong 2002 upang bumuo ng sariling pamilya.

Bilang pagpapakita ng kanyang sinseridad sa pagbabalik-loob, isinuko niya ang kanyang baril na caliber .38 revolver na walang serial number, na agad na isinailalim sa proseso ng maayos na dokumentasyon.

Ang pagsuko ay isinakatuparan sa tulong ng pinagsanib na pwersa ng 2nd PMFC Bulacan, PIT Bulacan East, RIU 3, 24SAC, 2SAB PNP SAF, RID 3, PIU Bulacan, DRT MPS, at 301st RMFB 3.

Binigyang-diin ni Col. Angel L. Garcillano, Acting Provincial Director ng Bulacan PPO, ang kahalagahan ng pagbabalik-loob ng mga dating rebelde bilang hakbang tungo sa tunay na kapayapaan. Aniya, “Ang bawat sumukong miyembro ng kilusan ay isa nang panalo para sa ating pamayanan. Patuloy ang ating pagtanggap at pagbibigay ng bagong pag-asa para sa mga nais magbagong-buhay.” (UnliNews Online)

Manny D. Balbin
Manny D. Balbinhttp://unlinews.org
Emmanuel "Manny" Dineros Balbin, founder and editor-in-chief of UNLINEWS ONLINE and UNLINEWS Digital Newspaper, is a former seminarian of Oblates of Mary Immaculate (OMI) in Notre Dame University Seminary in Cotabato City. Graduated college with Philosophy and Political Science courses at the University of Santo Tomas, Legazpi City. A former Journal Group of Publication (People's Journal, People's Tonight, Taliba & Women's Journal) staffer for 17 years. Before, he simultaneously contributed news articles to 3 local newspapers in Bulacan (NewsCore, MetroNews & NewsWatcher). He is the founder and the former editor-in-chief of RONDA Balita, both in weekly newspaper and online news. A former Kabayan provincial reporter, 2010 Bulacan election correspondent by Rappler and presently, a stringer of Philippine News Agency (PNA) Bulacan.
RELATED ARTICLES

WE ENDORSE

FOLLOW US ON FACEBOOK

Latest News