PORMAL na nanumpa noong Biyernes (Jul 11) si Cebu Governor Pam Baricuatro sa Partido Demokratiko Pilipino (PDP) Laban headquaters sa Sta. Mesa Manila, bilang Presidente ng PDP Laban sa Lalawigan ng Cebu.
Makasaysayan ang panalo ni Baricuatro sa pagka-gobernador ng probinsya ng Cebu dahil tinalo nito ang matagal ng nanunungkulan na si dating Gobernador Gwendolyn Garcia.
Hindi basta panalo, kundi landslide victory ang nakamit ni Gob. Bariacuatro.
Dahil rin sa sa suporta ni dating Pangulong President Rodrigo R. Duterte ay napatalsik sa puwesto si Garcia. (UnliNews Online)