Sunday, August 3, 2025
Amana Water Park
HomeNational NewsAte Vi, muling nanumpa bilang gobernador ng Batangas

Ate Vi, muling nanumpa bilang gobernador ng Batangas

MULING nanumpa ang actress/pulitiko na si Vilma Santos-Recto, nitong Lunes (July 7) bilang Gobernador sa ikalawang pagkakataon na ginanap sa Batangas City.

Si Ate Vi ay muling nahalal na ina sa lalawigan ng Batangas, makalipas ang una niyang pag-upo noong 2007 hanggang 2016.

Siya ang kauna-unahang babae na naupo bilang gobernador ng Batangas.

Pagkatapos niyang maging gobernador ay tumakbo naman siyang congresswoman sa isang distrito ng Batangas kung saan naipanalo niya rin ito.

Last 2022 national elections ay pansamantang namahinga ang Star For All Seasons.

Buong akala ng lahat ay tuluyan nang tatalikuran ni Ate Vi ang pulitika at magko-concentrate na lang sa kanyang pamilya.

Pero, sadyang nasa dugo na rin ng mahusay na aktres ang pulitika aside sa kanyang pag-aartista. Kaya maraming nagulat nang muling kumandidato ang nag-iisang aktres-pulitiko na may pinakamagandang record sa mundo ng pulitika.

Muli ay tumakbo siyang gobernador ng Batangas kung saan landslide ang kanyang pagkapanalo.

Marami ang nagtatanong, “bakit siya muling tumakbo bilang gobernador?”

Kuwento ng Star For All Seasons:

“Hindi ko ito hiniling, ako ang hinilingan to go back and serve again sa Batangas. Ang sabi nila sa akin (mayors and congressmen), we want you to go back, kasi gusto naming maramdaman muli ang basic needs. Ano yung basic needs, acronym ng HEARTS.”

Esplika ng Star For All Seasons hinggil sa HEARTS.

H – Health

E – Education

A – Agriculture

R – Roads

T – Tourism and Technology

S – Security and Social Services

Sa kanyang inaugural speech, inilatag ni Ate Vi ang plano niya sa muling pagbabalik niya sa Governor’s Office.

Ayon kay Gov. Vi, naka-focus siya sa health, education, at safety ng Batangueños, lalo na when it comes to disaster preparedness, dahil ayon sa balita, ang Pilipinas ay may 11 hanggang 20 bagyo na darating ngayong taon na ito.

Aniya, ayaw na raw niyang mangyari ang tulad na nangyari sa bagyong Kristine last year, kung saan maraming inosente ang nag-buwis ng buhay.

Ibinahagi rin niya ang budget na nakalaan para sa mga senior citizens sector para makatulong sa mga ito.

Pinirmahan na rin niya agad-agad ang apat na executive orders na hindi pa nila ma-implement:

Executive Order 01-2025 (Creating Task Force Matatag na Kalusugan)
– For the construction and rehabilitation of district hospitals in Batangas. This includes manpower, logistical support, and other purposes.

Executive Order 02-2025 (Creating Task Force Matatag na Scholars)
– For the rationalization and expansion of the scholarship program based on merit system and economic status of student beneficiaries.

Executive Order 03-2025 (Creating Task Force Matatag at Ligtas na Batangas)
– For the capability building and preparation of the Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office, to ensure the safety of Batangueños during typhoons, volcanic eruptions, earthquakes, and other calamities.

Executive Order 04-2025 (Creating Task Force Matatag na Pagbabantay for crime prevention in Batangas)– Through various strategies including increased police presence, law enforcement, intelligence gathering, and community partnerships.

“I will serve Batangas with all my heart,” pakli pa ni Gov. Vi.

Pangako niya sa kanyang constituents, that she will serve Batangas with all her heart and do her best in her upcoming three-year term.

Dahil iba na ang panahon, marami ng mga bagong teknolohiya at masaya niyang ibinalita na magkakaroon na rin ng Hotline and Monthly Reporting ang Lalawigan ng Batangas.

Aniya, “may plano silang mag-create ng hotline and monthly reporting where they will go live for the citizens of Batangas, so they can assess the needs of the people and see how the government has helped them.”

Sa trabaho ni Ate Vi, may ibang partido rin siyang makakasama, kaya ang tanong, “how working with other parties?”

Aniya, “Sa totoo lang, ang mas epektibong serbisyo is ‘yung teamwork. Plus ang Governor, kahit papaano sasandal pa din ‘yan sa kanyang Sanggunian dahil dadaan pa din ang budget. Lahat ng panukalang gusto niya i-implement sa Batangas dadaan definitely ng Sanggunian. Importante sana is pareho kayo ng vision para mas madali magkaroon ng trabaho, mas mabilis maipasa, at mabilis ang delivery ng services.”

Sa muling pagbabalik ng Star For All Seaaons, ang Lalawigan ng Batangas ay muling magsa-shine dahil patutunayan niyang muli na ang kanyang governance ay patuloy na magbibigay inspirasyon hindi lang sa kanyang nasasakupan kundi maging sa ibang mga namumuno ng mga lalawigan.

Hindi maramot si Gov. Vi na i-share ang kanyang pamamaraan sa pagpapalakad ng kanyang lalawigan.

Congratulations Ate Vi!!! Mahal ka namin!!! (UnliNews Online)

Photo courtesy: Oskee Recabar FB Page

RELATED ARTICLES

WE ENDORSE

FOLLOW US ON FACEBOOK

Latest News