Sunday, August 3, 2025
Amana Water Park
HomeOpinionAUTHOR'S VIEWPOINTHindi na nakamtan ng pumanaw na benepisyaryo ang minimithing ayuda

Hindi na nakamtan ng pumanaw na benepisyaryo ang minimithing ayuda

NANINIWALA naman ako na kung talagang oras na ng isang tao kahit saan man siya naroon anomang araw oras ay wala siyang magagawa dahil iyon ang nakatadhana, ang guhit ng kanyang palad.

Ganito ang sinapit ng isang benepisyaryo ng ayuda na tinawag na Emergency Cash Transfer (ECT) na pinangangasiwaan ng Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO) nitong ika-12 ng Hulyo 2025 kung saan sumama ang katawan ng isang beneficiary ng ECT habang naghihintay ng ayuda sa pilahan ng mga Bulakenyong tatanggap ng ayuda.

Ayon sa ulat, naisugod pa sa Bulacan Medical Center ang lalakeng beneficiary at agad umanong nilapatan ng CPR hanggang sa umanoy tinubuhan pa pero talagang hanggang doon na lang ang guhit ng kanyang palad at doon sa BMC na rin binawian ng buhay ang nasabing pasyente.

Noong July 11, 2025 habang minamaneho ko ang aking motorsiklo ay napadaan ako ang mahabang pila ng mga tao sa capitol compound ng Bulacan. Katanghalian tapat noon at napakainit ng sikat ng araw. Umiral sa akin ang kuryosidad at tinanong ko ang isang babaeng nakapila kung bakit sila nagbibilad sa araw. Sabi niya kasama daw siya sa listahan ng mga taong tatanggap ng ayuda.

Nalaman ko din na dalawang batch ang mga benepisyaryo na tatanggap ng ayuda ng araw na iyon. Mayroong pang umaga at mayroong panghapon para tumanggap ng halagang Php5,625.00 bawat isa. Kaya pala nagtitiyaga ang mga benepisyaryo kahit pa mainitan pa sila dahil malaking bagay para sa kanila ang nasabing halaga.

Bilang manunulat ng balita ay lumikot ang aking guni-guni at nagbalik sa aking gunita ang panahon ng nakaraang eleksiyon. Noong kasi panahon bago mag-file ng certificate of candidacy ang mga local candidate ay madalas ang pamamahagi ng ayuda. Mayroong AICS, TUPAD at iba pang anyo ng social financial assistance na kung saan nagsasalita muna ang mga public officials kasama ang mga kumakandidatong indibidwal bago ipamahagi ng mga kinauukulan ang ayuda.

Ano kaya at sa panahong iyon nangyari na may namatay na benepisyaryo sa pilahan ng ayuda? Tiyak na malaking isyu ang ganyang senaryo sa mga kandidatong sumasakay sa programang ayuda. Kung bakit kasi naging kontrobersiyal iyang ayuda at sikat na sikat sa iskemang iyan ang mga ‘tagalista’ dahil sila ang nabubuluglig ng mga tao na hindi natatanggap ng ayuda.

Sa totoo lang, sa barangay level naman talaga nanggagaling ang listahan na ipinapasa naman sa tanggapan ng social services at ang ahensiyang ito ang nagbababa ng mga pangalan ng mga benepisyaryo sa iba’t ibang barangay. Hindi talaga nawawala ang mga nagrereklamo dahil hindi sila naging priority sa unang bigayan, pero sa susunod namang bigayan ay makakasama din naman sila lalo na ang mga taong-barangay na nag-iingay.

Kaya habang may ayuda, hindi matatapos ang kontrobersiya sa hanay ng mga tagalista at ng mga reklamador lalo na kung nababahiran ng pulitika ang distribution ng social financial assistance o ayuda. (UnliNews Online)

RELATED ARTICLES

WE ENDORSE

FOLLOW US ON FACEBOOK

Latest News