CAMP ALEJO SANTOS, Bulacan — Naaresto ng pinagsanib na puwersa ng kapulisan ang isang Top 7 Regional Most Wanted Person sa Brgy. Caingin, Meycauayan City, noong Lunes (Aug. 4).
Ayon kay P/Lt. Col. Melvin M. Florida, Jr., Hepe ng Meycauayan CPS, nakilala ang suspek na si alyas Jeff, 39 taong gulang, na may kasong Statutory Rape sa ilalim ng Criminal Case No. 3682-M-2025.
Ang warrant ay inilabas ni Hon. Elenita N.E. Macatangay-Alviar, Presiding Judge ng RTC Branch 121, Meycauayan City, na walang inirekomendang piyansa.
Ang operasyon ay pinangunahan ng Meycauayan CPS katuwang ang RIU 3, PIT Bulacan East at 304th MC, RMFB3.
Ang suspek ay nasa kustodiya ng Meycauayan CPS para sa karampatang disposisyon.
Patuloy ang pagtugis ng Bulacan PPO, sa pamumuno ni Col. Angel L. Garcillano, acting Provincial Director ng Bulacan PPO, laban sa mga most wanted criminals bilang bahagi ng kampanya para sa kapayapaan at kaayusan sa lalawigan. (UnliNews Online)