PANDI, Bulacan — Nagkamit ng natatanging pagkilala ang bayan ng Pandi sa ginanap na Regional Sandugo Awarding Ceremony ng Department of Health Central Luzon Center for Health Development (CLCHD) nitong Martes (Aug. 5) sa Best Western Plus Metro Clark Hotel, Angeles City.
Ito ay matapos malampasan ng bayan ng Pandi ang target na 1 porsyentong blood donation mula sa kabuuang populasyon, nakapagtala ang naturang bayan ng kabuuang 1.43 porsyento .
Ang Sandugo Award ay isang major award for municipal level, ito ay inoorganisa ng ahensya sa pamumuno ng Regional Voluntary Blood Services Program (RVBSP) at Central Luzon Regional Blood Center (CL RBC) upang kilalanin at parangalan ang mga katuwang na Local Government Units, National Government Agencies, Non-government Organizations, mga pribadong institution, at iba pang mga organisasyon para sa pagpapalakas at pagpapatibay ng mga stratehiya upang maisulong ang Voluntary Non-remunerated Blood Donation sa mga komunidad sa rehiyong tres.
Ngayong taon, muling kinilala ang bayan ng Pandi dahil sa mga natatanging kontribusyon nito sa pag agapay at pagpapanatili ng ligtas at sapat na suplay ng dugo sa Gitnang Luzon.
Lubos naman ang pasasalamat ni Pandi Mayor Roque sa lahat ng mga blood donors.
“Hindi po magiging posible ang karangalang ito kung wala ang pagtutulungan ng bawat sektor ng ating pamahalaan at komunidad. Dahil sa inyo, mas marami po tayong nasagip na buhay at nabigyan ng panibagong pag-asa,” saad ng alkalde.
Source: Clarence May De Guzman