CAMP ALEJO SANTOS, Bulacan — Arestado ang Top 7 Most Wanted Person (Provincial Level) sa isinagawang operasyon ng Bulacan PNP noong Lunes (Aug. 11) sa San Jose Del Monte City.
Ayon kay Lt. Col. Reyson M. Bagain, Acting Chief of Police ng SJDM CPS, nadakip ang suspek na si Albert Suarez alyas “Albert”, 21 taong gulang, residente ng Brgy. Minuyan Proper, sa bisa ng Warrant of Arrest para sa kasong Robbery aggravated by the use of loose firearm (Criminal Case No. 299-SJDM-2022) na may piyansang P120,000.00.
Sa pangunguna ni Col. Angel I. Garcillano, Provincial Director ng Bulacan PPO, patuloy ang pagtugis ng Bulacan PNP sa mga Most Wanted Person bilang bahagi ng kampanya para sa kapayapaan at kaayusan sa lalawigan. (UnliNews Online)

