Wednesday, December 17, 2025
Amana Water Park
HomeProvincial NewsBulacan UnliNews‘Pandi Dialysis Center, bukas na’ -- Mayor Roque

‘Pandi Dialysis Center, bukas na’ — Mayor Roque

PANDI, Bulacan — Pormal nang binuksan nitong Huwebes (Aug. 21) ang Pandi Dialysis Center para sa katuparan ng matagal nang pangarap ng mga Pandienyo na magkaroon ng sariling dialysis center.

Ayon kay Mayor Rico Roque, “ramdam po natin ang hirap at pagod ng ating mga ka-Pandieño, na kailangan pang bumiyahe sa malalayong lugar para lamang makapagpa-dialysis. Kaya’t bukod sa financial assistance na naibibigay natin, pinagsumikapan po nating maisakatuparan ang pangarap na ito.”

“Isang proyektong magbibigay ng pag-asa at magdudugtong ng buhay ng ating mga ka-Pandieño na nagpapada-dialysis,” dagdag pa ng alkalde.

Ang Pandi Dialysis Center ay hindi lamang isang pagamutan, bagkus ito’y magsisilbing tahanan ng pag-asa na magbibigay ginhawa sa ating mga kababayan.

Ang lokal na pamahalaan ng Pandi ay kaagapay ninyo sa inyong laban.

Pinasalamatan din ng alkalde ang mga naging katuwang sa proyekto sa pangunguna ni Sen. Joel Villanueva, Mr. Enrique Alberto, President-Hydromedical Renal Diagnotic Center, Dra. Zarah Marie Zamora-Tan, Clinical Administrator at Dr. Mark Anthony Tiu, Medical Director.

“Higit sa lahat, maraming salamat po sa inyo, mga ka-Pandieño, sa walang sawang suporta at pagtitiwala sa lahat ng ating proyekto at programa,” saad ni Mayor Roque.

Kasunod ng pagbabasbas ng gusali ay ipinamigay na ang financial assistance at isang sakong bigas para sa mga Pandienyong dina-dialysis.

“Tuloy-tuloy po ang Serbisyong may Puso at Talino para sa mas maginhawa at mas maayos na buhay ng bawat Pandieño,” pagtatapos ng alkalde. (UnliNews Online)

Manny D. Balbin
Manny D. Balbinhttp://unlinews.org
Emmanuel "Manny" Dineros Balbin, founder and editor-in-chief of UNLINEWS ONLINE and UNLINEWS Digital Newspaper, is a former seminarian of Oblates of Mary Immaculate (OMI) in Notre Dame University Seminary in Cotabato City. Graduated college with Philosophy and Political Science courses at the University of Santo Tomas, Legazpi City. A former Journal Group of Publication (People's Journal, People's Tonight, Taliba & Women's Journal) staffer for 17 years. Before, he simultaneously contributed news articles to 3 local newspapers in Bulacan (NewsCore, MetroNews & NewsWatcher). He is the founder and the former editor-in-chief of RONDA Balita, both in weekly newspaper and online news. A former Kabayan provincial reporter, 2010 Bulacan election correspondent by Rappler and presently, a stringer of Philippine News Agency (PNA) Bulacan.
RELATED ARTICLES

WE ENDORSE

FOLLOW US ON FACEBOOK

Latest News